I-FLEX
ni Jun Nardo
BAKBAKAN na ang mga tatakbo sa national position dahil opisyal nang nagsimula ang kampanya.
Nagpaalam na si Tito Sotto sa Eat Bulaga para harapin ang kandidatura bilang senador. Biro ng kapatid na si Vic Sotto sa “bakasyon”ni Tito, “Dadami na naman ang trabaho ko!”
Si Willie Revillame naman, nagsagawa ng homecoming show sa kinalakihang bayan sa Nueva Ecija. Wala pang balita sa kanyang show sa TV5 kung magpapatuloy habang nangangampanya siya.
Nagpasalamat si Willie dahil pasok siya sa Top 10 sa survey sa ibobotong senador.
Ninety days ang inilaan ng Comelec para sa campaign ng national positions at 45 days naman sa local slots na sa mid-March magsisimula kung tama kami.
Mas tututukan namin ang bakbakan ng mayor sa Manila dahil mainit ang labanan sa tatlong kandidato na naglaban sa surveys!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com