Monday , May 12 2025
Supporters at volunteers nagkaisa para sa 1Munti Partylist

Supporters at volunteers nagkaisa para sa 1Munti Partylist

MAHIGIT sa 300 bata at kanilang mga magulang ang nabigyan ng tulong sa “Batang Juan Caravan” na inorganisa ng 1Munti Partylist nitong Lunes, 10 Pebrero, sa San Dionisio Old Gym, Parañaque City.

“Nagpapasalamat tayo sa lahat ng supporters at volunteers na walang pagod na kumikilos para sa kapakanan ng mga bata,” ayon kay Atty. Raffy Garcia, nominee ng 1Munti Partylist.

Ang Batang Juan Caravan ay isa sa mga regular na programa ng 1Munti Partylist na naghahatid ng iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng late birth registration upang matulungan ang mga pamilyang may financial problem na makuha ang mahalagang dokumentong ito para sa kanilang anak.

Mayroon din NutriJuan Program, storytelling session sa pamamagitan ng 1Munti Readers Book Club, impormasyon para sa early intervention ng mga batang may developmental delay, at tulong sa trabaho sa pamamagitan ng 1Munti Job Portal at Dress for Success.

Bahagi ang Batang Juan Caravan ng komprehensibong programa ng partylist para isulong ang kapakanan ng mga bata.

“Ang 1Munti Partylist ay para sa mga bata. Ang bawat serbisyong ating inihahandog ay hakbang tungo sa mas maliwanag at makulay na kinabukasan ng ating kabataan,” ani Atty. Garcia. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

FPJ Panday Bayanihan

FPJ Panday Bayanihan Partylist umani ng malawak na suporta sa San Jose, Batangas

HABANG ang bansa ay naghahanda sa midterm election, ang FPJ Panday Bayanihan Partylist ay pumapaimbulog …

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …