Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apat na pelikula angkop sa kabataan at pamilyang Filipino

TIYAK na ikatutuwa ng pamilyang Filipino na panoorin ang apat na pelikula ngayong Linggo na nabigyan ng angkop na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang Thai animated na Out of the Nest tungkol sa isang kambing at pitong nakaaaliw na sisiw, at ang South Korean concert movie na IU Concert: The Winning, ay parehong Rated G (General Audience).  Ibig sabihin, puwedeng panoorin ng lahat ang dalawang pelikula.

Ang Firefighters, na base sa totoong insidente noong 2001 sa Hongje-dong, at ang Woodwalkers, na tungkol sa mga bata na nagpapalit-anyo,  ay parehong rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Sa PG, pwedeng manood ang edad 12 at pababa na kasama ang magulang o nakatatanda.

Para naman sa mga naghahanap ng aksyon at kababalaghan, swak ang pelikulang Peter Pan’s Neverland Nightmare na rated R-16 at R-18.

Sa R-16 ay mga edad 16 at pataas ang puwede lamang manood.  Sa R-18 ay mga edad 18 at pataas.

R-16 at R-18 din ang The Baby in the Basket, dahil sa tema, kababalaghan, at lengguwahe.

Pinayuhan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na pumili ng mga palabas na tama para sa mga bata.

Malaki ang ginagampanan ng bawat pelikula sa paghubog ng kaisipan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng responsableng panonood, masisiguro natin na bukod sa kasayahang dulot ng pelikula, may mapupulot ding aral ang mga bata sa patnubay ng mga magulang,” sabi ni Sotto-Antonio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …