Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz sa 25th anniversary (Silver) ng kanyang Aficionado Germany Perfume next year.

“Ang sabi ko kasi sa kanila ‘uy 25 taon na tayo magpa- raffle tayo, magbigay tayo sa ating mga loyal customer,’ kaya nandito na ang ating raffle dropbox na mayroong milyones.

“Were giving aways P25-M worth of prizes, ‘yun ‘yung 25 na kotse, 25 na motorcycle, 35 na Ipod, 25 na IPhone, 25 na cash prizes, basta nagkakahalaga siya lahat-lahat ng P25-M,” bungad na tsika ni Joel.

Sinabi pa ng mabait na negosyante na magsisimula siyang mamigay ng papremyo ng January 1 hangang September dahil Septer 4 ang kanilang anniversary.

“Bale may tatlong draw tayo na gagawin, ‘yung 25 na kotse at ‘yung ibang prizes hahatiin natin sa tatlong draws.

“’Yung first draw sa April 2025, second draw sa July  2025, at ‘yung 3rd draw sa Sept. 2025 na lahat ay gagawin sa ‘It’s Showtime.’ 

“January 1 puwede na silang sumali. Lahat puwede basta ‘di nagwo-work sa amin o ‘di kamag-anak puwede mag join. 

“Madali lang sumali, kunin n’yo lang ‘yung sticker ng pabango basta worth P270 ilagay sa white envelope ‘yung sticker, ilagay ‘yung name, address, phone number and signature, at ihulog sa drop box na matatagpuan sa lahat ng tindahan ng Aficionado Germany Perfume, ganoon lang kadali sumali.

“Katulad ng sinabi ko kanina, we have three draws kukunin namin ‘yung envelope na sumali ng April, after niyon isi-set aside yun, lahat naman ng mag-start ng April hanggang July kukunin namin for July draw at ‘yung last draw sa September ay isasama namin ‘yung envelope ng 1st at 2nd.

“Kaya lahat-lahat kasama sa Grand Draw sa Sept. 2025,” esplika ni Joel. 

Bukod sa pamamahagi ng P25-M, nakatakda rin nilang i-launch ang magiging 2025 image model ng Aficionado Germany Perfume. Makikipag-meeting din sila kay direk Lauren Dyogi ng ABS-CBN tungkol sa artists na kukunin nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …