Thursday , May 15 2025
Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state universities at colleges (SUCs) sa mga probinsiya sa bansa.

Sa pagdinig na isinagawa ng Senate committee on higher, technical, and vocational education na kaniyang pinamumunuan, tinalakay ni Cayetano ang hindi bababa sa 20 panukalang batas na magpapalakas sa tertiary education sa iba’t ibang lalawigan, kabilang ang Tawi-Tawi, Sultan Kudarat, at Bukidnon.

Kasama sa mga panukala, ang paglikha ng mga bagong state colleges, pag-angat sa status ng mga state college sa pagiging state university, at pag-conversion sa regular campus ng mga satellite campus.

“We’ll try na talagang maipasa ito by our next session ng late January to early February. We’re just going through the requirements,” pahayag ni Cayetano.

Naka-adjourn o pansamantalang magsasara ang sesyon ng Senado ngayong araw, 20 Disyembre at muling magbubukas sa 13 Enero 2025.

Sa pagdinig, ipinunto ni Cayetano na kapag pinalawak ang mga SUC ay mas malalapit ang edukasyon sa mga estudyante, kaya mababawasan ang gastos nila at tataas ang tsansa na makatapos sila ng pag-aaral.

Nakahahatak aniya ng economic activity kapag may kampus sa isang komunidad.

“I’d really like to see the day na ang advisers ng mayors, governors, president are people from the academe. So the more the academe grows, the more the community grows,” wika niya.

Kasabay ng pagpapahayag ng suporta sa kanilang expansion, hinimok ni Cayetano ang mga SUC na tiyaking pareho ang kalidad ng edukasyon na ibibigay nila sa lahat ng kanilang campus.

“Parang restaurant, kung napakasarap ng pagkain mo sa main branch, make sure na ‘pag ibang branch ka, consistent din ang quality,” paalala niya.

Sa pagdinig, nagpahayag ng suporta ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga panukala, basta’t susunod ang mga SUC sa requirement at minimum standards gaya ng pagkakaroon ng Certificates of Program Compliance para sa kanilang mga degree program.

Tiniyak ni Cayetano sa mga SUC na handa ang kanyang komite na tulungan sila sa pagtugon sa mga requirement na ito.

“The general rule is dapat kompleto ang requirements, but I do believe in exceptions…So kung hindi kompleto, let us know why, and let us see kung ma-justify natin,” pahayag niya.

“Kung kalahati ng requirements wala, we want to assist you but tell us how,” dagdag niya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …