Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SPEEd Christmas Party

SPEEd magdo-donate sa mga nasalanta ng kalamidad 

MAKULAY at makabuluhan ang Christmas Party ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ngayong taon na dinaluhan ng ilang celebrities mula sa showbiz industry.

Ginanap noong December 2 sa Rampa Drug Club sa 40 Eugenio Lopez St., Diliman, Quezon City, muling nagsama-sama ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd para sa taunang tradisyon ng grupo tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Ngayong taon, magbabahagi ang SPEEd ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng mga nagdaang kalamidad. 

“As we celebrate, we remain mindful of our kababayans in Luzon who have faced recent calamities. 

“This year, SPEEd is allocating a portion of whatever funds are raised to support survivors and help bring a bit of relief to their recovery,” ayon sa Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis.

Mangyayari ang gagawing gift-giving ng organisasyon ng mga editor para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad nitong mga nagdaang buwan bago mag-Pasko. 

Kasabay nito ang taos-pusong pasasalamat ng grupo, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas, sa lahat ng nag-share ng kanilang blessings para mapasaya at makatulong kahit paano sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Una na riyan ang mga may-ari ng Rampa Drag Club na sina RS Francisco, Rei Anicoche Tan ng Beautéderm Corporation, Senate President Chiz Escudero, mga taga-Globe Telecoms sa pangunguna ni Yolly CrisantoClaire Papa and team ng Unilab, mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde ng Nathan StudiosMentorque Productions producer Bryan Diamante, Frontrow owner, Tutok To Win Partylist Rep. Sam VerzosaIce Seguerra at Liza Diño, at Tates Gana.

Maraming salamat din kina Kuya Boy Abunda, Mr Manny Villar of Villar Group, Chris Cahilig, and Ms Kathryn Chua of Lilt Digital Marketing na nagbahagi ng kanilang blessings sa grupo.

Nakisaya rin sa Christmas party tradition ng SPEEd at nagbahagi ng blessing sina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Ara Mina, Jake Cuenca, Regal Entertainment producers Roselle Monteverde at Keith Monteverde, at mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Nagpapasalamat din ang aming grupo kina SB Partylist, former Sec. Benhur Abalos, Senator Nancy Binay, Vita Plus (Doyee Tumpalan), Partido sa Bagong Pilipino Partylist (Goyo Larrazabal and Beaver Lopez).

Present din ang PR head ng Kapamilya Network na si Kane Choa kasama ang kanyang team,  Marianne de Vera ng Pascual Laboratories, Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Ferlin Parreno ng Viva Entertainment, Veronica Ramos-Baun ng JN Enterpraises Branding Consultancy.

Naroon din ang singer-comedian at host na si TJ Valderrama na talent ng Curve Entertainmen, Topakkactress Anne Feo, talent manager Narciso Chan at Bambbi Fuentes.

Um-attend din sa party ang Vivamax stars na sina Micaella Raz, Stephanie Raz, Salome Salvi, Gold Aceron, Victor Rellosa, Kych Minemoto, Benz Sangalang at marami pang iba.

Nagpapasalamat din ang SPEEd sa iba pang celebrities at personalidad na nagpahatid ng kanilang tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng mga kalamidad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …