Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Win Gatchalian relief operations

Gatchalian tulong pinaigting
AYUDA SA NASALANTA IPINAMAHAGI PARA SA BICOL AT NORTHERN LUZON

PINAIGTING ni Senador Win Gatchalian ang kanyang relief operations sa ilang munisipalidad sa Catanduanes, Albay, Ilocos Norte, at Cagayan kasunod ng sunod-sunod na mga bagyong tumama sa bansa nitong mga nakaraang linggo.

Namahagi si Gatchalian ng kabuuang 5,700 sako ng bigas, na nagkakahalaga ng P10.83 milyon, mula sa Valenzuela City kasama si Valenzuela City Vice Mayor Lori Natividad-Borja at ang mga kawani ng Valenzuela City Social Welfare and Development, ibinigay ni Gatchalian ang P1.9 milyong halaga ng food assistance sa pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes ngayong Linggo.

Ang tulong ay inilaan para sa 27,539 pamilya na naapektohan ng mga nagdaang bagyo.

Pinalawak ni Gatchalian ang kanyang tulong sa Albay at namahagi siya ng P380,000 halaga ng food assistance sa bayan ng Libon na may 21,687 pamilyang apektado.

Noong mga nakaraang linggo, namahagi siya ng mahigit P2.35 milyong halaga ng pagkain at karagdagang P2.35 milyong cash assistance sa mga biktima ng baha sa Legazpi City at mga munisipalidad ng Guinobatan, Daraga, Polangui at Oas.

Sa susunod na linggo, nakatakdang i-turnover ng senador ang 500 sako ng bigas, na nagkakahalaga ng P950,000, sa Pagudpud, Ilocos Norte  maghahatid ng mahigit P7.6 milyong halaga ng food assistance sa lalawigan ng Cagayan, na sumasaklaw sa mga bayan ng Aparri, Buguey, Sanchez Mira, Gonzaga, Claveria, at Tuguegarao City.

Ani Gatchalian, ang mga pagsisikap na ito ay para sa 8,367 pamilya sa Pagudpud at 78,638 pamilya sa Cagayan, na patuloy na nakikipaglaban kasunod ng pinsalang dala sa kanilang buhay ng mga nagdaang bagyo.

“Inaasahan natin ang agarang pagbangon ng ating mga kababayan na nasalanta ng nagdaang mga bagyo. Patuloy tayong magbibigay ng tulong sa kanila hanggang masiguro natin na makabalik na sila sa normal na pamumuhay,” ani Gatchalian. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …