Thursday , November 7 2024

Philippine Natural Gas Industry Development Act
SEGURIDAD SA ENERHIYA, PROTEKSIYON vs MATAAS NA PRESYO NG KORYENTE

110724 Hataw Frontpage

SINABI ni Senador Pia Cayetano, chairperson ng Senate committee on energy, ang Senate Bill (SB) 2793, o ang panukalang Philippine Natural Gas Industry Development Act na inaprobahan sa ikalawang pagbasa nitong Martes ay magtataguyod ng seguridad sa enerhiya at magpoprotekta sa mga konsumer laban sa mas mataas na presyo ng koryente.

“Let us prioritize indigenous natural gas; this is ours. It will promote energy security and the record shows that it has by far more stable in pricing and lower in pricing,” pahayag ni Cayetano.

“We have the potential to explore, to discover and to develop our indigenous natural gas. Why are they (investors) not coming in? Because since the ‘70s, we neglected investing and encouraging promotion of indigenous natural gas. After Malampaya was discovered, wala na. Pinabayaan na natin,” malungkot na pahayag ni Cayetano.

Iginiit ni Cayetano, ang Senado ang may “once-in-a-lifetime chance” na maipasa ang isang mahalagang batas na nagbibigay-prayoridad sa indigenous fuel kaysa mga inaangkat at idinagdag na sa loob ng 14 taon ang presyo ng indigenous gas ay nanatiling matatag kompara sa pabago-bago at madalas na tumataas na presyo ng mga inaangkat na gasolina.

Sa deliberasyon sa plenaryo, tinutulan ni Cayetano ang pagbabago sa SB 2793 hinggil sa competitive bidding na nagsasabing ito ay kontra-produktibo at magtataboy sa mga potensiyal na mamumuhunan na nagnanais paunlarin ang mga indigenous gas field ng bansa. 

Aniya, sumasalungat ito sa layunin ng panukala na lumikha ng isang investor-friendly industry sa natural gas na maatatagpuan sa Filipinas.

Ang amendment ay natalo ng 15-4.

Binigyang-diin ng senador na kahit ang mga kasunduan sa pagbili at suplay ng gas ay pinag-uusapan, tinitiyak ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na ang mga konsumer ay protektado mula sa mataas na presyo ng koryente.

               “There are strict provisions on market pricing in the service contracts that the DOE and ERC are duty-bound to uphold. They are in place…This bill (SB 2793) essentially maintains the status quo,” wika ni Cayetano, idinagdag na ang dalawang ahensiya, kasama ang Philippine Competition Commission (PCC) ay nagtitiyak ng transparent na negosasyon at pakikitungo.

Ang pagbibigay-prayoridad sa industriya ng indigenous natural gas, aniya, ay nangangahulugan ng pagsuporta sa pamamagitan ng mga itinatag na check and balance, kabilang ang mga itinakda sa Consumer Welfare Act.

“This is a unique opportunity to promote indigenous natural gas, which is cheaper, cleaner, and serves as a transition fuel as the Philippines shifts towards renewable energy. We encourage the shift to natural gas, whether imported or local, but prioritize indigenous sources for enhanced energy security and price stability,” ani Cayetano. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Philhealth bagman money

Chiz sa gobyerno:
MULTI-BILYONG ‘DI-NAGAGAMIT NA PONDO NG PHILHEALTH DAPAT ITUON SA PAG-AARAL KAUGNAY NG NAGBABAGONG KLIMA

KUNG hindi lubos na nagagamit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga pondo nito …

Vendors Partylist Association of Private Slaugtherhouse and Market Operators og QC

Para sa kapakanan ng mga tindero
Partylist ng vendors, asosasyon ng QC private slaughterhouse/market operators nagsanib-puwersa

NAGSANIB-PUWERSA ang Vendors Partylist at Association of Private Slaugtherhouse and Market Operators ng Quezon City …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

San Rafael, Bulacan

Tresspasser nahulihan ng baril at granada

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos na ito ay walang sabi-sabing pumasok sa bakuran …

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

The Office of the President suspended Dagupan City Councilors Redford Erfe-Mejia, Alipio “Alf” Serafin Fernandez, …