Wednesday , December 25 2024
Philhealth bagman money

Chiz sa gobyerno:
MULTI-BILYONG ‘DI-NAGAGAMIT NA PONDO NG PHILHEALTH DAPAT ITUON SA PAG-AARAL KAUGNAY NG NAGBABAGONG KLIMA

KUNG hindi lubos na nagagamit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga pondo nito at nawawalan ng bilyon-bilyong piso kada taon dahil sa inflation, dapat humanap ng paraan ang gobyerno para mas maayos na maibahagi ang mga pinagkukunang-pinansiyal, lalo sa gitna ng matitinding pagbabago ng panahon na sumisira sa ekonomiya.

Ayon ito kay Senate President Francis “Chiz” G. Escudero, na nagpahayag ng pagkadesmaya dahil mayroong P500 bilyong sobrang pondo, ang PhilHealth at nawawalan ng P20 bilyon kada taon dahil sa inflation — isang malaking halaga na maaaring magamit sa ibang mga serbisyong may kagyat na pangangailangan tulad ng mas maayos na mga sistema ng pagkontrol sa baha, mas matibay na mga kontrol sa ilog at mga pader sa tabing-dagat, at pagtatayo ng mga komunidad na kayang tiisin ang pagbabago ng klima, at iba pa.

“Inflation pa lang, talo na tayo. P500 bilyon ang sobrang pondo ng PhilHealth sa ngayon at sa four percent inflation, ibig sabihin n’yan nawawalan ng P20 bilyon ang PhilHealth kada taon na hindi nila ibinibigay na serbisyo sa ating mga kababayan dahil lamang hindi nila ginagastos ang pera. Sayang ‘yun at dapat tingnan, pag-aralan at busisiin din,” paliwanag ni Escudero.

“Bakit nga ba ang dami-daming sobrang pera ng PhilHealth samantala ang dami nating mga kababayan na hindi nakikinabang sa mga benepisyo ng PhilHealth? ‘Yun ang isang dapat masagot at mabigyan ng linaw dahil sayang kung dadagdagan na naman natin ang pondo ang PhilHealth tapos hindi naman nila gagamitin,” tanong ni Escudero.

Ipinaliwanag ni Escudero, ang nawalang P20 bilyon ay maaaring magamit sa iba pang mga kagyat na pangangailangan ng bansa.  “Kaya dahil hindi nila nagastos ‘yan (mga di-nagagamit na pondo) noong 2024, pagdating ng Enero 1 (2025) ay nawala na ang humigit-kumulang P20 bilyon na sana’y magagamit na pambili, pambayad, at panggastos ng PhilHealth.”

Ayon kay Escudero, may mga programa at proyekto ang mga ahensiya na kailangang unahin at pag-aralan habang tinatalakay ng Senado ang P6.352 trilyong pambansang badyet, kasama na ang mga inisyatibo sa pagkontrol ng baha kasunod ng pagkalunod ng Bicol region na dulot ng bagyong Kristine.

“Ang flood control budget ng DPWH (Department of Public Works and Highways), hindi lamang iyon ang problema. Ang problema ay kumusta ang pag-aaral natin kaugnay ng climate change and climate adaptation? Gaano ba kakapal dapat ang ating mga seawall? Gaano ba kataas ang ating mga seawall? Nagbabago ba iyan sa kada probinsiya, kada ilog, sa kada dagat na ginagawan natin ng seawall or river control? May ganoong uri ba ng pag-aaral man lang? Hindi ko alam kung ano ang sagot doon. So, bahagi ng pagbubusisi hindi lamang flood control ng DPWH, pero pati na rin ‘yung programa, kaalaman at research ng DENR (Department of Environment and Natural Resources),” dagdag ni Escudero.

Tinukoy ng Department of Finance (DOF) na ang paggamit sa di-nagagamit na subsidy ng gobyerno ng PhilHealth ay iniatas sa Republic Act No. 11975, o ang General Appropriations Act 2024, at binigyang-diin na ang paggamit ng idle funds ng isang korporasyon na pag-aari at kontrolado ng gobyerno ay isang mabisang paraan para pondohan ang mga kagyat na programa at proyekto ng gobyerno tulad ng emergency allowances ng health workers, ang pinakahuling pagtaas ng sahod at benepisyo ng mga empleyado ng estado, at mga pangunahing proyekto sa impraestruktura.

Bilang tugon sa petisyon sa Korte Suprema na nagtatanong sa paggamit ng mga idle funds ng PhilHealth, ang DOF sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) ay nangatuwiran na ang paglipat ng mga pondo ay hindi lumalabag sa karapatan ng mga tao sa kalusugan, at ang mga alalahanin tungkol sa mga benefit packages ng state health insurer ay dapat na tugunan sa ahensiya o Kongreso.

Sa kanilang komento, binigyang-diin ng OSG na “ang isyu sa kasalukuyang pagkakaayos ng mga benefit packages ng PhilHealth ay isang usapin ng polisiya at lampas sa hurisdiksyon ng Kagalang-galang na Korte. Ang mga tanong kung ano ang iaalok, kung palalawakin ba ang mga alok na ito, kung paano ito gagawin, at mga kaugnay na bagay, ay dapat, sa unang pagkakataon, iwanan sa karunungan ng Ehekutibo at Lehislatura.

“Sa pag-aakala na may mga hamon, balakid, at kakulangan sa pagkamit ng mga layunin ng UHCA (Universal Health Care Act), ang mga ito ay mga bagay lamang sa pagpapatupad nito, at hindi katumbas ng paglabag sa karapatan sa kalusugan, gaya ng mali na ipinagtalo ng mga petitioner,” argumento ng OSG.

“Bakit nga ba ang dami-daming sobrang pera ng PhilHealth samantalang ang dami naman nating mga kababayan na hindi nakikinabang sa mga benepisyo ng PHilhealth? ‘Yun ang isang dapat masagot at mabigyan ng linaw dahil sayang kung daragdagan na naman natin ang pondo ang PhilHealth tapos hindi naman nila gagamitin,” ani Escudero.

“So dahil hindi nila ginastos ‘yan (unused funds) sa taong 2024, pagpasok ng January 1 (2025) e nawalan na ng humigit-kumulang P20 bilyon na puwede sanang mabili, mabayaran, paggastusan ‘yang pondong ‘yan ng PhilHealth,” pagtukoy ni Escudero ukol sa P20 bilyong nawawala na maaaring mapakinabangan ng bansa.

Ipinunto ni Escudero sa kanilang pagtalakay ng P6.352 trilyong panukalang pondo para sa 2025 maraming mga programa at proyekto ang mga ahensiya na dapat unahin at pag-aralan kabilang na rito ang  flood control kasunod ng naganap na malawakang pagbaha sa Bicol region sanhi ng Severe Tropical Storm Kristine.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …