Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang si Vico Sotto, na tatakbo muling mayor ng Pasig.

Matatalino na ang mga Pasigueño at ang mga botante ngayon. ‘Yung mga style na bulok hindi na uubra rito sa Pasig.

“Alam na ng mga Pasigueño kung ano ang tama, kung ano ang mali. Nakita naman natin ang pagbabago sa pagtakbo ng gobyerno rito,” ang matapang na sabi ni Bosing Vic.

All out ang support ni Bosing Vic kay Mayor Vico at pati na rin ang ina nito na si Coney Reyes

Sa katunayan, personal pang sinamahan nina Bossing Vic at Coney si Vico nang maghain ito ng certificate of candidacy (CoC) para sa kanyang kandidatura sa 2025 elections.

Ayon sa dating magkarelasyon, walang dapat ikabahala ang publiko sa ikatlong termino ni Vico bilang mayor ng Pasig. Hindi rin sila worried sa paninira sa kanilang anak lalo na ngayong papalapit na ang eleksiyon.

Sabi ni Coney, “I lift everything up to the Lord all the time. I have peace in my heart. My son has peace.

“We know what we are doing. He knows what he is doing so nothing to worry about. God is in control,”dagdag pa niya.

At ang advice ni Bossing Vic sa kanyang anak na si Vico, “Keep up the good work, he is doing a good job. I’m proud of him.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …