Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Candy Veloso pinaka-dabest ang GL scene kay Salome Salvi 

PINAKA-DABEST kung ituring ni Candy Veloso ang love scene na ginawa niya sa pelikulang Tahong na bida rin sina Salome Salvi, John Mark Marcia, Emil Sandoval at idinirehe ni Christopher Novabos at kasalukuyan nang napapanood sa Vivamax.

Sa pakikipag-usap namin kay Candy sa isinagawang mediacon ng pelikula sa Viva Boardroom, sinabi nitong, “Although hindi ko first time na-experience ang GL (girls love) ito ‘yung mga love scene ko na pinaka-dabest kasi Salome na ‘yan, tapos may Emil pa. 

“Usually ang mga project ko before may mga GL and may three way (threesome), sa  lahat  ng mga nagawa kong movies lahat iyon ganoon,” ani Candy.

Mas nahirapan naman siyang makipag-lovescene sa lalaki dahil katwiran ni Candy, “Mahirap para sa akin kasi andoon ‘yung dapat may restriction ka talaga. Kapag ako kasi ang tatanungin kung may restriction ako sa babae, wala talaga. Willing akong hindi mag-plaster, willing akong magpa-ano ng utong kapag babe ang ka-lovescene ko, all out kumbaga.

“Pero kapag lalaki, parang andoon ‘yung may malisya talaga. Iyon ang iniiwasan ko. Pero kapag babae why not, ganoon,” paliwanag ni Candy.

Komportable namang pareho si Salome sa pakikipag-lovescene maging babae o lalaki. 

“I’m openly bisexual and I do have hardcore adult content for women, four way pa nga. Dahil bisexual ako I feel equally comfortable doing both. Lalo ngayon na soft porn naman ang ginagawa namin ngayon sa Vivamax wala namang actual penetration. I don’t see a difference…both is enjoyable,” prangkang sagot ni Salome.

Ang Tahong ang isa sa unang linggo ng October na aabangan sa Vivamax. Ang pelikula ay isang sexy drama movie na ipaglalaban ang kinabukasan ng pamilya at kabuhayan, kahit na marami ang kapalit kabilang na ang sarili.

Si Mira (Candy) at ang kanyang amang si Moises ay namumuhay ng simple bilang mga magtatahong. Ngunit biglang magbabago ang kanilang mundo nang mahaharap sa demolisyon ang kanilang tahungan. Sa gitna ng pag-aalsa ng komunidad, aatakehin ng stroke si Moises. Para mailigtas ang ama at ang kabuhayan, hihingi ng tulong si Mira sa barangay captain nila na si Douglas (Emil).

Ngunit, may ibang motibo si Douglas. Sasamantalahin niya ang kahinaan ni Mira na mauuwi sa isang komplikadong relasyon at mas lalong magpapahirap sa buhay ni Mira. Unti-unti ring masisira ang relasyon ni Mira sa kanyang kasintahang si Goyo (John Mark Marcia).

Sa gitna ng kaguluhan, makakatagpo si Mira ng kaibigan kay Talia (Salome), isang kagawad na matagal nang may lihim na pagtingin sa kanya. Magkasama silang gagawa ng mga mapanganib na desisyon para iligtas ang tahungan gayundin ang kanilang kinabukasan laban sa kasakiman at pagnanasa ng ibang tao.

Ang Isa pang dapat abangan ngayong October ay ang Tatsulok:Tatlo Magkasalo. Kuwento ito ng masayang mag-asawa na magugulo ang relasyon dahil sa pagdating ng isang babae na babasag sa payapa nilang buhay. Pinagbibidahan nina Mariane Saint, Skye Gonzaga, at John Mark Marcia na mapapanood na sa Vivamax simula October 11, 2024.

Isang sexy-drama Vivamax Original Movie ang Tatsulok:Tatlo Magkasalona idinirehe ni Johnny Nadela. Ito ay kuwento nina Iza (Skye Gonzaga) at Roland (John Mark Marcia), mag-asawang nagmamahalan at masaya sa buhay. Compatible silang mag-asawa, sa pag-uugali, pati na sa pagpapaligaya sa isa’t isa sa kama. Ang kulang na lang sa buhay nila ay ang magkaroon ng anak na mamahalin at aalagaan, pero kahit na anong subok nila, hindi sila pinapalad na mabiyayaan nito.

Ibang sorpresa ang matatanggap ng mag-asawa sa pagdating ng kababata ni Iza na si Raquel (Mariane Saint), makikisuyo ito sa mag-asawa na pansamantalang makitira sa kanila.

Walang pag-aalinlangang papayag sina Iza at Roland sa hinihinging pabor ni Raquel kaya titira silang tatlo sa iisang bubong. Ang hindi nila alam, ang pagtira ni Raquel kasama sila ay isang malaking pagkakamali at magiging dahilan para sila ay maging mapagtaksil, sinungaling at tuluyang sirain ang tahimik nilang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …