MA at PA
ni Rommel Placente
SA radio show nina Cristy Fermin at Romel Chica, kinompirma na tatakbo sa election next year ang magkapatid na Luis Manzano at Ryan Christian Recto.
Tatakbong vice governor ng Batangas si Luis, at congressman naman ng 6th District si Ryan Christian.
Ang mommy naman nina Luis at Ryan na si Vilma Santos ay tatakbong governor.
Sabi ni Romel, “Natutuwa kasi ‘yung mag-iina isipin mo na lang ‘to ‘pag nangampanya.
“Makikita mo paano magmahalan, ‘yung samahan ng mag-iina ang makikita mo rito, ‘yung pamilya na makikita mo na gusto magsilbi sa kanilang constituents,” aniya pa.
Ipinagdiinan ni Nay Cristy na ang report niya ay galing sa kanyang reliable source na mismong mga taga-Batangas daw ang nagsusulong na tumakbo ang mag-iina, at kung walang pagbabago ay ngayong araw, Oktubre 3 magpa-file ng Certificate of Candidacy sina ate Vi, Luis, at Ryan.