IBINIDA ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang mga pangunahing proyekto nito na hindi lang makatutulong sa ekonomiya ng Filipinas kundi maging sa transportasyon ng mga Filipino.
Sa ginanap na Transport and Logistic Forum 2024, ipinagmalaki ni PRA Chairman Alex Lopez ang reclamation project sa Manila Bay partikular sa lungsod ng Pasay na inaasahang magiging bagong tahanan ng nasa mahigit 20 hotels at iba pang commercial establishements.
Tinukoy ni Lopez na itatayo ang bagong opisina ng PRA sa nasabing lugar at ang sinasabing legacy infrastructure project ng Marcos administration na International Convention Center (ICC) na mahigit sa doble ang laki ng pinagsamang PICC at SMX convention center.
Ipinaliwanag ni Lopez, target ng PRA na tuparin ang adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na Bagong Pilipinas.
Iginiit ni Lopez, sa ilalim ng Bagong Pilipinas ay kayang suportahan ang mga lumalagong pangangailangan ng mga Filipino.
Binigyang diin ni Lopez na halos walang gagastusin ang pamahalaan sa mga proyekto ng PRA dahil mga pribadong sektor ang gagastos para sa development kapalit ng 49% pagmamay-ari sa matatapos na proyekto. (NIÑO ACLAN)