Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pig Vaccine

Bakuna vs ASF makupad
DA kinalampag ng sektor ng magbabababoy

NANAWAGAN ang sektor ng magbababoy at iba pang stakeholders sa gobyerno partikular sa Department of Agriculture (DA) ukol sa mabagal na pagbabakuna sa mga baboy sa bansa laban sa African Swine Flu (ASF).

Sa isang panayam muling nakiusap ang mga hog raisers na bilisan ang pagbabakuna sa mga baboy dahil naisagawa na nila ang roll-out noong 30 Agosto.

Tinukoy ng mga hog raiser na mas maraming alagang baboy ang maililigats at hindi malulugi ang mga nagnenegosyo kabilang ang mga feed producers kung mabilis ang pagbabakuna lalo sa mga backyard hog raisers.

Ayon kay Rico Geron, CEO ng SoroSoro Ibaba Development Cooperative, kung magpapatuloy na magkakandamatay ang mga baboy at liliit ang suplay dahil sa ASF, hindi maiwasan na magtaas naman ang presyo nito sa darating na Kapaskuhan kung kailan mataas ang demand.

Kasama ang mga miyembro ng National Federation of Hog Farmers Inc., at Pork Producers Federation of the Philippines, muling hinimok ni Agap Partylist Rep. Nick Briones ang pamahalaan na magdeklara na ng national state of emergency kontra ASF.

Sinabi ni Briones, araw-araw ay may namamatay na baboy dahil sa mabagal na pagbabakuna.

Aniya, tinatayang nasa 9 milyon ang bilang ng baboy sa bansa, 40% dito ay mga national hog raisers habang 60% ang tinatawag na backyard hog raisers na lubos na nangangailangan ng bakuna.

Idinagdag ni Geron, handa silang tumulong sa pamahalaan upang mapabilis ang pagbabakuna sa mga apektadong hog raisers dahil mayroon silang kooperatiba at network  sa Luzon tulad ng mga technician at beterinaryo.

“Kami ay nagboboluntaryo sa pamahalaan para pabilisin ang roll-out ng bakuna sapagkat mabilis na nauubos ang kabuhayan at alaga ng ating mga kabahayan,” pahayag ni Geron.

Nang mag-roll-out noong 30 Agosto sa Lobo, Batangas na nagkaroon ng outbreak ng ASF, sinabi ni Briones na natutuwa sila dahil may bakuna sa mga baboy kaya naman nanawagan ngayon na sana ay magkaroon ng sistema at gumamit ng cooperative industry leaders upang mapabilis ang pagbabakuna.

Sa nasabing roll-out, 10,000 doses ng bakuna kontra ASF ang itinurok pero natatagalan ang proseso nito dahil sa paghihintay ng resulta sa mga isinasagawang pag-aaral gayondin ang sinasabi ng Food and Drug Administration (FDA) na ‘gene-sequencing’ na ayon kay Briones ay hindi na muna kailangan kundi kagyat na aksiyon dahil marami na ang naapektohan ang kabuhayan.

Aniya, ang pagdedeklara ng state of emergency ay magiging paraan para agad at mabilis ang roll-out ng bakuna sa mga mas nangangailan lalo sa mga lalawigan na lubhang apektado ng sakit. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …