Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra Videoke Hits OPM Edition

Videoke Hits: OPM Edition Concert ni Ice sold out, kinailangang magdagdag ng araw

ISANG linggo bago itanghal ang inaabangang birthday concert ni Ice Seguerra, ang Videoke Hits: OPM Edition, sa Setyembre 13, sold out na ang tickets! 

Pero ‘wag malungkoy sa mga hindi nakabili ng ticket, dahil may chance chance pa para makisaya dahil nagdagdag pa ng isang show sa Nobyembre 8, 2024, sa Music Museum.

Sa pangatlong edisyon ng Videoke Hits concert series ni Ice, puno ng iconic OPM hits ang immersive experience na ito. Pagsasamahin ng concert ang saya ng karaoke at ang energy ng isang live performance, na tiyak magbibigay ng hindi malilimutang rendisyon ng mga paboritong OPM.

Kasama sa lineup ang mga kantang tulad ng Gento ng SB19 at ang dance performance ni Ice sa Salamin-Salamin ng BINI. Magpe-perform din si Ice ng sarili niyang rendition ng Isang Linggong Pag-ibig at Anak ni Freddie Aguilar sa pinakahihintay na ICE-FIED segment.

“Hi guys! Ngayon pa lang, gusto ko pong magpasalamat sa napakagandang birthday gift ninyo sa akin. Pramis, gagalingan ko talaga para sa inyong lahat! At dahil ang dami pang gustong maki-jam, nagdagdag kami ng bagong date para sa isa pang VIDEOKE HITS OPM EDITION,” masayang turan ni Ice.

Ticket Prices: ● VVIP: ₱7,000 (With Soundcheck Experience + Meet & Greet + Signed Poster); ● VIP: ₱5,000; ● Gold: ₱4,000; ● Patron: ₱3,500; ● Orchestra Side A: ₱3,000; ● Orchestra Side B: ₱2,000; ● Balcony: ₱1,500

Add-ons para sa kahit anong ticket: ● Soundcheck Experience (1 Oras): ₱1,500; ● Meet & Greet: ₱1,000

Para sa ticket inquiries, kontakin ang Fire and Ice LIVE! sa 0917-542-0303 o bisitahin angwww.ticketworld.com.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …