Monday , December 23 2024
PAGCOR POGOs

E.O. No. 13 klinaro ng legal experts

KINUWESTYON ng publiko na nanonood sa mga pagdinig sa Kamara ang naging lohika sa paliwanag ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro kaugnay sa Executive Order No. 13 na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang dinidinig ang Philippine Offshore Gaming Corporation.

Inilabas ang EO No. 13 noong taong 2017 ni dating Pangulong Duterte, isang administratibong utos na naglinaw sa mga tungkulin ng mga ahensiya na nagre-regulate ng sugal at nagpatibay sa mga umiiral na batas.

Ayon sa mga legal experts sa batas, malinaw na hindi ito naglikha ng bagong batas kundi sinigurado lang na ang mga lisensiyadong operator ang maaaring magpatakbo ng online gaming, alinsunod sa mga batas na ipinasa na ng Kongreso.

Taliwas kasi ito sa pahayag ni Rep. Luistro sa kanyang argumento na ang EO 13, sumaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng batas.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11590, na ipinasa ng Kongreso noong 2021, nagpapatibay ito ng kapangyarihan ng PAGCOR sa online gaming.

Kabilang sa ipinag-utos ang pag-require sa mga POGO na kumuha ng lisensiya at magbayad ng buwis, kaya’t pinagtibay ang regulasyon sa online gaming.

Malayong-malayo kasi ito sa pahayag ni Rep. Luistro na ang EO 13 ay sumaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso.

Anila, hindi lamang ito mali kundi nakasisira pa sa kredibilidad ng House of Representatives.

“Ipinapakita ng kanyang mga salita ang kanyang kakulangan sa pag-unawa sa isyu kung paano gumagana ang mga executive order sa loob ng mas malawak na balangkas ng batas. Kailangang magtaglay ang mga mambabatas ng sapat na kaalaman upang matiyak ang epektibong pamahalaan at protektahan ang integridad ng ating mga institusyon,” sabi ng mga legal experts. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …