Sunday , December 22 2024
Magdyowang Nigerian at Pinay huli sa ilegal na droga sa Las Piñas

Magdyowang Nigerian at Pinay huli sa ilegal na droga sa Las Piñas

NALAMBAT sa ikinasang operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Las Piñas City ang isang courier vehicle na FedEx van, may lulan na ilegal na droga na itinago at inihalo sa loob ng solar light assembly bilang kargamento.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang indibiduwal na kinabibilangan ng live-in partners na Nigerian national at isang Filipina ang sinabing respondent.

Nadiskubre ang hindi pa matukoy na halaga ng shabu sa isang courier shipment sa C5 Road Las Piñas City kagabi.

Ayon sa NBI operatives, nakatakdang ibiyahe  patungo sa Nigeria ang nasabing kargamento ng ilegal na droga.

Nangyari ang pag-aresto dakong 9:00 pm sa The Tent, Gatchalian Drive, Barangay Manuyo Dos, sa nasabing lungsod.

Ang operasyon ay pinangunahan ni NBI Director Jaime Santiago katuwang ang Las Piñas City Police Station (CPS).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI ang dalawang suspek, posibleng maharap sa kasong RA 9165  o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na hindi muna pinangalan ng mga operatiba dahil patuloy pa ang mga karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang mga kasabwat at lawak ng operasyon ng ilegal na droga. (EJ DREW)

About EJ Drew

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …