Sunday , December 22 2024
073124 Hataw Frontpage

Para sa power supply requirement  
BIDDING NG MERALCO IPINALILIBAN NG SENADOR

073124 Hataw Frontpage

NAGHAIN ng resolusyon si Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes na nananawagang ipagpaliban ang bidding para sa 600-megawatt at 400-megawatt power supply requirement ng Manila Electric Company (Meralco).

Aniya, kailangang suriin ang terms of reference (TOR) nito upang matiyak na ang mananalong bidder ay mapipili nang patas at tunay na may pinakamababang halaga ng supply ng koryente.

Inihain ni Cayetano ang Senate Resolution 1090 nitong 29 Hulyo 2024 para himukin ang Senado na ipatigil muna sa Meralco ang competitive selection process (CSP) nito dahil ang kasalukuyang tuntunin nito ay malabo at hindi patas para sa mga power generation company na gumagamit ng indigenous natural gas.

“The Terms of Reference (TOR) of CSP 1 and CSP 2 do not reflect the real preference afforded to indigenous natural gas and its full utilization,” pahayag ni Cayetano sa resolusyon.

Una nang inihayag ni Cayetano ang nasabing isyu sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Energy nitong 18 Hulyo 2024 tungkol sa napipintong pagkaubos ng Malampaya gas at sa layuning paglipat ng bansa sa mas malinis na fuel source.

Sa pagdinig, pinuna ng senador ang tila pagpabor ng Meralco sa mga power generation company na gumagamit ng imported coal.

Punto ni Cayetano sa kanyang resolusyon, hindi magagamit ang Malampaya indigenous natural gas kung ang mga katutubong natural gas-powered plants ay hindi bibigyan ng patas na pagkakataon para makipagkompetensiya sa CSP 1 at CSP 2.

Salungat aniya ito sa patakaran at layunin ng EPIRA at Department Order No. 002023-10-0022 na paglipat sa isang malinis na energy mix.

Binatikos din ni Cayetano ang TOR ng Meralco sa pagtrato sa historical actual cost ng mga non-fuel items bilang evaluative lamang at hindi binding.

Ayon sa senador, hindi ito patas para sa mga indigenous natural gas suppliers dahil pinapayagan nito ang mga bidder na may iba pang pinagkukunan ng enerhiya na magsumite ng mas mababang bid, at kalaunan ay bawiin ang mataas na halaga ng non-fuel commodity sa pamamagitan ng mataas na singil sa consumers.

“The lack of clarity in the rules regarding TORs in the biddings will result in the underutilization of our indigenous natural gas [and] open the possibility of circumventing the distribution utilities’ obligation to supply their captive customers in the least-cost manner,” aniya.

“The CSP must ensure fairness and competition in the bidding process so that only power suppliers offering the true least-cost supply will be contracted,” dagdag niya.

Bukod dito, binanggit ni Cayetano na maaaring maimpluwensiyahan ng Meralco ang resulta ng bidding sa pamamagitan ng pagbago sa kahulugan ng ilang mga konsepto sa kanilang TOR, tulad ng “greenfield.”

Ayon sa Energy Regulatory Commission, ang “greenfield” ay tumutukoy sa mga proyektong hindi pa umiiral, naitatayo, o pinopondohan. Pero para sa Meralco, ang “greenfield” ay tumutukoy sa mga planta na umaandar na simula Enero 2020.

Sa pagdinig noong 18 Hulyo, sinabi ni Cayetano na dapat seryosong isaalang-alang ng Department of Energy (DOE) at ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang paghinto ng bidding.

Hindi aniya magdudulot ng labis na pagkaantala kung lilinawin ang lahat ng panuntunang ito at ang ilan pang mga nakabinbing kaso. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …