SINISI ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang tambak-tambak na basurang nakabara sa mga daluyan ng tubig gaya ng mga kanal o sa drainage systems ang naging sanhi ng mga pagbaha sa ilang baranggay sa lungsod sa kasagsagan ng hagupit ng bagyong Carina.
Sa kanilang pag-iimbestiga, problema sa drainage system na barado ng trak-trak na basura gaya ng mga plastic at styrofoam ang nakolekta sa mga kanal at estero.
Bukod dito, karamihan sa mga baradong drainage sa tabi ng kalsada ay nakuhaan ng mga sanga at dahon ng puno na humahadlang para sa maayos na pagdaloy ng tubig lalo kapag umuulan.
Binigyan diin ni Mayor Emi Calixto-ubiano na pangunahing alalahanin ng Pasay City government ang kapakanan ng mga Pasayeño sa panahon ng pananalasa ng bagyong Carina.
Agad nagbigay ng tulong sa mga residente ang Pasay LGU sa mga nasalanta ng bagyo.
Paglilinaw ng alkalde ang pagbaha ay hindi resulta ng kasalukuyang Pasay coastal development project kundi ang mga halo-along basurang nakabara sa mga drainage system.
Dagdag ng alkalde sila ay nakatuon sa paghahanap ng pangmatagalang solusyon upang maiwasan ang mga ganitong insidente sa hinaharap. (NIÑO ACLAN)