Friday , November 15 2024
BBM Bongbong Marcos Nicanor Briones

Kongresista desmayado  
SONA ni BBM walang binanggit sa anti-agri economic sabotage

NAKULANGAN si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones sa katatapos na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Inaasahan ni Briones na mabanggit sa SONA ng Pangulo ang isyu tungol sa anti-agricultural Economic Sabotage Act ngunit kahit na isang salita ay walang binanggit ang Pangulo.

Magugunitang noong Mayo ay niratipkahan na ng senado at mababang kapulungan ng kongreso ang naturang batas ngunit hanggang ngayon ay tila wala pa ito sa tanggapan ng Pangulo, bagay na kanyang ipinagtataka.

Dahil dito may kutob si Briones na ‘na-hostage’ ang naturang panukalang batas lalo’t may sangkot na malaking halaga na posibleng tamaan ng naturang batas.

Gayonman, tumanggi na si Briones na tukuyin kung sino ang nasa likod ng pagkaka-hostage.

Ngunit naniniwala siyang kung walang kamay na gumalaw laban dito ay malamang na napirmahan na ng Pangulo at naging ganap na batas na.

Tinukoy ni Briones na ang naturang panukalang batas ang magbibigay babala laban sa mga smuggler, hoarder, at profiteer upang tumigil sa kanilang mga maling gawain na malaking kawalan sa kita ng pamahalaan at kapakinabangan ng mga mamamayan.

Sa ilalim ng panukalang batas, sinomang mapapatunayng sangkot sa smuggling, hoarding, at profiteering ay mananagot sa batas maging ang kanilang mga broker, storage, at ang iba pang mga gamit ay maaaring komposkahin ng pamahalaan.

Nakapaloob sa naturang batas na maaaring makulong nang habangbuhay ang maparurusahan bukod sa multang tatlong beses ng katumbas na halaga ng  nakompiska o nahuling kargamento.

Ngunit inilinaw ni Briones, sa kabila nito ay  masaya sila sa SONA ng Pangulo na nagbigay ng pagpapahalaga sa agrikulutura at pag-asa sa mga magsasaka, mangingisda, at livestock industry.

Inaasahan ni Briones na sa susunod na buwan ay lalabas na ang bakuna laban sa African Swine Flu (ASF) na malaking tulong sa industriya ng pagbababoy.

Kaugnay nito, pormal na sumulat si Briones sa Pangulong Marcos upang ipabatid ang tungkol sa naturang panukalang batas na niratipikahan na ng  dalawang kapulungan ng kongreso.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …