Friday , November 22 2024
BRP Sierra Madre

Kasunduan ng PH at China sa resupply mission para sa BRP Sierra Madre dapat nabanggit sa SONA ni BBM

SINABI ni Senador Francis Tolentino na kontento siya sa inihayag na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Batasang Pambansa, sa Batasan Hills, Quezon City kahapon.

Sa kabila nito, nais sanang marinig ni Tolentino sa SONA ang paglilinaw sa naging kasunduan ng Filipinas at China ukol sa rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal o West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Tolentino, bago ang SONA ng Pangulo binanggit na ng senador sa Department of Foreign Affairs (DFA) na isapubliko ang naturang kasunduan dahil iba ang sinasabi ng kampo ng China kaugnay nito.

Nababahala si Tolentino na kapag sinunod ang sinasabi ng China na kailangan humingi ng permiso sa kanila bago magsagawa ng resupply mission, parang pumayag ang Filipinas na kanila ang WPS.

Nais muling kausapin ni Tolentino ang DFA ukol sa kasunduang ito.

Kaugnay sa pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs), nananawagan si Tolentino na bigyan ng trabaho ang mga lehitimong mangagawa ng mga legal na kompanyang maaapektohan nito.

Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng kanyang pagdalo sa groundbreaking ceremony ng multi-purpose building sa Kalayaan Covered Court, Brgy. Batasan Hills, Naski, Sitio Kumunoy, Covered Court Brgy. Bagong Silangan, at sa St Michael Republic Court sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …