Friday , November 22 2024
Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na tiyaking maitaas ang  suweldo ng mga guro at bigyang solusyon ang ilang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kagawaran.

Ayon Kay Tinio, sa kanyang pagdalo sa lingguhang media forum na Agenda sa Club Filipino, mataas ang kaniyang tiwala Kay Angara na makakayanan niyang tugunan ang mga problemang kinahaharap ng sektor ng edukasyon.

Ilan sa tinukoy ni Tinio ay ang kontrobersiyal na  pagbili ng mga laptop na hanggang sa kasalukuyang ay wala pang nasasampahan ng kaso at napaparusahan, at ang kontrobersiyal na confidential funds.

Naniniwala si labor lawyer Luke Espiritu na ang dapat na unang imbestigahan ni Angara ay walang iba kundi si dating secretary Sarah Duterte na kasalukuyang Vice President ng bansa.

Opisyal na umupo si Angara sa DepEd nitong Biyernes, 19 Hulyo 2024, ang epektibong araw ng pagbibitiw ni Duterte.

Ani Espiritu, magiging masaya sila sa labor sector kung masasampahan ng kaso at mapaparusahan ang dating kalihim na aniya ay walang nagawa para sa sektor ng edukasyon.

Para kay Makakalikasan Alliance secretary general Rommel Ortega, umaasa sila na isusulong ni Angara ang isang makakalikasang edukasyon.

Tiwala si Ortega na ikokonsidera ni Angara ang pagsasaalang-alang sa ating kalikasan habang isinusulong ang modernong edukasyon.

Umaasa ang tatlong lider mula sa iba’t isang sektor na susuportahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,  ang kanilang panawagan na dagdagan ang suweldo ng mga guro sa sandaling ito ay irekomenda ni Angara.

Mariing inihayag ng tatlo na napag-iiwanan na ang mga guro pagdating sa sahod kompara sa mga men in uniform.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …