Monday , April 14 2025
airplane

Sex convict nagtangkang pumasok sa PH huli ng BI

MULING NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ikalawang subok ng isang American sex offender na makapasok sa bansa.

Ayon sa BI, sumubok na gumamit ng ibang pangalan at pagkakakilanlan si Kent Thomas Kuszajewski, 59.   

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang nasabing pasahero na si Kent Thomas Kuszajewski, 59 anyos, dumating sa NAIA terminal 1 nitong 12 Hunyo. 

Sabi ni Tansingco ang nasabing Amerikano ay nagpakita sa mga tauhan ng BI ng US passport sa ilalim ng pangalang Blade Tyler ngunit lumalabas na may positive report din ang naturang pagkakakilanlan sa BI derogatory list.

Ito ayon kay Tansingco ang naging mitsa ng pagtaboy sa pasahero ng mga tauhan ng BI.

Paliwanag ni Tansingco, si Kuszajewski, ay nauna nang naaresto at ipinadeport ng BI noong 2015 dahil sa pagiging registered sex offender (RSO).

               Nagtangkang muling pumasok sa bansa sa pamamagitan ng Mactan noong Hunyo 2021 subalit muling naharang dahil nasa listahan ng blacklist ng BI para sa mga undesirable aliens. 

Dito ay gumamit siya ng pangalang Alex Stevens. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …