INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad na nabawasan ang mga ilegal na POGO sa lungsod ng Pasay.
Sa panayam sa mga mamamahayag ng Southern Metro Manila Press Club (SMMPC) sinabi ni Col. Pabonita, nabawasan na ang mga nagaganap na krimen dulot ng POGO sa naturang lungsod at mas lalo nila ngayong natututukan ang pagsawata sa kriminalidad at pag-improved ng peace in order para sa seguridad ng mamamayan.
Aniya, sa ngayon ay malaya silang nakapapasok sa mga Internet Gaming Licensees ( IGL) o legal na POGO upang ipatupad ang kanilang police power sa pakikipag koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng Pasay.
Inilinaw ni Col. Pabonita sa ganitong paraan ay namomonitor na kahit may sapat na lisensiya ay hindi sila malulusutan ng ilegal na operasyon ng IGL o POGO. (NIÑO ACLAN)