Friday , June 28 2024

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

062124 Hataw Frontpage

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi maaaring tanggalin bilang integral part ng polisiya sa pambansang enerhiya ang indigenous gas development upang makamit ang pambansang seguridad sa enerhiya.

Ang pahayag na ito ay ginawa ni Prime Energy Managing Director at General Manager Donnabel Kuizon Cruz sa kanyang pagdalo bilang panel sa talakayan na may temang “Pagsulong ng Paglago sa Sektor ng Natural Gas” sa isang forum na inorganisa ng think tank na Stratbase Institute.

Binigyang-diin ni Cruz ang kahalagahan ng “synergy” ng imported LNG at likas na gas upang lumikha ng katiyakan at abot-kayang supply ng koryente.

“Upang ang LNG ay maging katiwatiwala bilang pinagkukunan ng fuel, kinakailangan ang likas na gas bilang isang matibay na pundasyon. Ang pag-unlad ng likas na gas ay dapat manatiling batayan ng ating patakaran sa enerhiya,” iginiit ni Cruz.

Ang Prime Energy, pag-aari ng isang subsidiary ng Razon-led na Prime Infra, namamahala sa Malampaya Deep Water Gas to Power Project ang una at tanging likas na gas resource ng bansa sa lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Cruz, pinapangalagaan ng likas na gas ang supply ng fuel habang ang power grid ay patuloy na nagiging mahina sa panahon bukod sa iba pang mga balakid.

Idinagdag ni Cruz, sa panahon ng malalakas na hangin at alon, maaaring maputol ang koneksiyon ng LNG floating storage at iba pang pasilidad mula sa kanilang berths at mapahinto ang supply ng gas sa mga planta ng koryente.

Ito ang kaibahan sa mga pasilidad ng produksiyon ng Malampaya na idinisenyo sa kahit anong uri ng panahon.

“Noong Abril heat wave nang ang Luzon grid ay nasa yellow at red alert, ang Malampaya ay umiral sa halos 120 porsiyento ng kasalukuyang kapasidad ng sistema nito,” diin nito.

Ani Cruz, sa panahong iyon, nakapagbigay ang Malampaya ng sapat na fuel upang mag-produce ng 2,000 megawatts, o mga 20 porsiyento, ng kabuuang demand ng Luzon para sa koryente.

Dagdag ni Cruz, ito rin ay nagbigay daan para makatipid ang mga mamimili sa Luzon ng 50 sentimo hanggang P20 bawat kilowatt hour sa kanilang electric bills.

“Isipin ang mangyayari kung ang sitwasyong ito ay magiging isang global na sitwasyon at hindi tayo makapag-import ng LNG,” ani Cruz.

               Tinukoy ni Cruz, ang likas na gas ay tumutulong sa pagpapatibay ng presyo ng koryente tulad ng naranasan sa panahon ng internasyonal na alitan, gaya ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nag-trigger ng pagtaas ng presyo ng LNG.

“Kung wala ang gas ng Malampaya sa panahong iyon, ang mga Filipino ay magbabayad sa pangkalahatan ng P25 bawat kilowatt hour sa fuel costs para sa paggamit ng LNG kompara sa P6 bawat kilowatt hour para sa paggamit ng Malampaya,” aniya.

“Sa paggamit ng LNG, tayo ay naging mas mahina sa market shocks. Ang presyo ng likas na gas ay nananatiling matatag laban sa mga shocks, na samakatuwid ay pinoprotektahan ang ating mga bill sa koryente mula sa mga masamang epekto nito,” anito.

Iginiit ni Cruz, nagbibigay ang Malampaya ng remittances sa pamahalaan para sa paggamit sa mga proyektong pangkaunlaran sa enerhiya.

“Para sa bawat piso ng net revenue o benta mula sa gas ng Malampaya, 60 sentimos ay iniuulat sa pamahalaan. Ito ay umaabot sa USD 300 milyon hanggang USD 500 milyon taon-taon para sa paggamit sa mga proyektong pangkaunlaran sa enerhiya,” ani Cruz.

Sa parehong forum, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla, ang seguridad sa enerhiya ay prayoridad ng administrasyon ni Marcos kasama ang renewable energy bilang landas patungo sa hinaharap.

Sa transisyon patungo sa ganap na paggamit ng renewable energy, sinabi ni Lotilla na isinusulong ng gobyerno ang isang “matibay na estratehiya sa natural gas.”

“Ang matagumpay na eksplorasyon at produksiyon ng mga aktibidad ay hindi lamang mag-aambag sa mga layunin ng seguridad sa enerhiya ng bansa kundi magtutulak din ng paglago sa ekonomiya, paglikha ng pagkakataon sa trabaho, at pagbuo ng stream ng kita.

Sa huli, makikinabang ang mga Filipino,” ani Lotilla.

“Ang pagsasaliksik at pag-unlad ng mga mapagkukuhaan nito kasama ang pagtatayo ng kinakailangang impraestruktura ay tiyak na magtatagal kaya’t mahalaga na magkaroon ng isang maaasahang pinagmulan ng enerhiya sa panahon ng paglipat. Dito pumapasok ang LNG na isang mahalagang bahaging naglilingkod bilang isang mas malinis na kapalit para sa tradisyonal na fossil fuels at isang mas maaasahang pinagmulan kaysa renewable energy,” dagdag  ni Lotilla.

Ang Service Contract No. 38 (SC 38), na namamahala sa proyektong Malampaya, ay pinalawig pa ng 16 taon hanggang Pebrero 2039. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Krystall Herbal Oil

Liver spots sa mukha pinapusyaw ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

Munti LGU nagtatag ng support group para sa mga batang may espesyal na pangangailangan

NAGTATAG  ng support group para sa mga magulang ng batang may special needs ang pamahalaang …

QC quezon city

Sa Quezon City 
5 BARANGAY, NAKATAKDANG IDEKLARANG “DRUG CLEARED”

NAKATAKDANG ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QC-ADAAC) na drug-cleared ang lima pang …

shabu drug arrest

Umihi, nanapak ng parak
TRUCK HELPER HULI SA SHABU

PATONG- PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang truck helper makaraang masita sa pag-ihi sa …

Navotas

2 teachers kabilang sa mga bagong scholar ng Navotas

DALAWANG GURO mulasa pampublikong paaralan ang kabilang sa nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs …