PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa Cavite sa pamamagitan ng dalawang araw na outreach activities nitong 19-20 Hunyo 2024 upang magbigay ng tulong sa mga residenteng nangangailangan.
Sa muling pakikipagtulungan sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), ang magkapatid na Cayetano ay tumugon sa pangangailangan ng 3,000 residente ng probinsiya.
Noong 19 Hunyo, una nilang binisita ang Lungsod ng Dasmariñas upang bigyan ng tulong ang 500 senior citizens at persons with disabilities (PWDs). Naging matagumpay ang pamamahagi sa partisipasyon ni Mayor Jennifer “Jenny” Barzaga at ang mga konseho ng lungsod.
Nang araw na iyon, binisita nila ang Lungsod ng Imus kung saan 500 benepisaryo, kabilang ang mga community health workers at kababaihan. Ang pamamahagi na ito ay isinagawa sa koordinasyon kasama sina Cavite 3rd District Representative Adrian Jay “AJ” Advincula, Mayor Alex “AA” Advincula, at Councilor Mark Villanueva.
Nagpatuloy ang outreach sa Dasmariñas noong 20 Hunyo, kung saan 2,000 residente ang nabigyan ng tulong. Kabilang sa mga benepisaryo ang mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), solo parents, women’s groups, at mga miyembro ng LGBTQ community.
Ang mga inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagtutok ng magkapatid na Cayetano sa pagtulong sa mga marginalized communities sa buong bansa. Ang kanilang mga tanggapan ay patuloy na bumibista sa iba’t ibang probinsiya upang direktang maihatid ang tulong sa mga nangangailangang Filipino.
Sa pamamagitan ng masusing pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno at local units, tiyak nilang naipaparating ang tulong sa mga pinakanangangailangan. (NIÑO ACLAN)