TINIYAK ng Southern Police District (SPD) na gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng sunod-sunod na iba’t ibang krimen sa ilalim ng kanilang hurisdiksiyon.
Sinabi ni SPD director P/BGen. Leon Victor Z. Rosete na naiintindihan nila ang takot at pangambang dulot ng mga shooting incident sa mga residente ngunit tiniyak na nanatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan at seguridad ng bawat indibiduwal.
Aminado si Rosette na nababahala sila sa pagtaas ng bilang ng shooting incident sa kanilang lugar.
Matatandaan, kamakailan ay sunod-sunod ang nangyaring pamamaril sa katimugang bahagi ng Metro Manila gaya ng road rage incident sa Makati na nauwi sa pamamaril, pananambang sa isang barangay chairman sa Muntinlupa, at barilan sa isang bar sa Las Piñas.
Panawagan nito sa publiko ang pakikiisa laban sa karahasan upang tuluyan nang mawala ang takot ng bawat komunidad. (NA)