Sunday , December 22 2024
MMDA

Sa pekeng MMDA traffic enforcer
P10,000 PABUYA IPAGKAKALOOB SA MAKAPAGTUTURO

MAGBIBIGAY ng P10,000 pabuya si acting chairman Romando Artes sa makapagbibigay ng pangalan at tirahan ng lalaking nagpanggap na traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Artes, sa post ng isang netizen, may hinuli ng lalaking nagpakilalang empleyado ng MMDA pero nang hanapan ng ID ng motorista na kanyang hinuhuli ay bigla na lamang umalis.

Binigyan-diin ni Artes na ang nagpapanggap na traffic enforcer at nanghuhuli ng mga motorista na lumalabag sa batas trapiko para mangikil ay hindi empleyado at hindi konektado sa MMDA.

Kaugnay nito, nanawagan  si Artes sa publiko kung sino man ang nakakikilala sa lalaki ay dumulog sa ahensiya at maaaring magpadala ng personal na mensahe o direct message sa kanilang MMDA Facebook page. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …