INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nakatakdang maintenance activities para sa pag-upgrade ng electrical systems sa NAIA Terminal 3 upang matiyak na tuluy-tuloy ang flight operation lalo tuwing peak hours.
Tiniyak ni MIAA General Manager Eric Jose Ines na walang magiging epekto sa flight operation at pagpoproseso sa mga pasahero sa gagawing upgrade na naka-iskedyul simula kahapon, 19 Hunyo hanggang Biyernes, 21 Hunyo 2024.
Isasagawa ang mga aktibidad na malayo sa mga oras ng operasyon at peaks hours.
Tinitiyak ni Ines sa mga stakeholder na pagaganahin ang mga generator set na magbibigay ng pansamantalang supply ng koryente sa mga lugar na nasa ilalim ng maintenance work. (NA)