TINIYAK ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at maging sa international agencies upang masigurong natututukan ang paghahanap sa nawawalang Marino ng MV Tutor.
Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, gagawin ng ahensiya ang lahat na makakaya para mahanap ang nawawalang marino.
Dagdag rito, ang OWWA Regional Office, sa pangunguna ni NCR Regional Director Ma. Teresa Capa, ay nagpapatuloy sa regular na updates sa pamilya tungkol sa progreso ng search and rescue operations.
Naging emosyonal ang pamilya ng nawawalang Pinoy seafarers nang magtungo sila sa tanggapan ni OWWA administrator Arnel Ignacio. (NA)