MATAPOS ang sunod-sunod na trabaho sa Pilipinas, nag-time-out muna ang napaka- husay na R&B na si Luke Mejares para magbakasyon sa Amerika.
Kasamang nagbakasyon ni Luke ang kanyang pamilya na magtatagal ng isang buwan sa bansa ni Uncle Sam.
Ayon kay Luke, “One month kami sa US kasama ko ang family ko.”
Sobrang saya nga nito nang makita ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, na sandali silang nagkumustahan at nagkakuwentuhan.
Pero after a month na ma-recharge ay balik-trabaho na daw si Luke na tatawid ng Canada para sa kanyang Canada Tour.
“Pagkatapos ng bakasyon ay tatawid ako for one month (July) sa Canada para mag- bar tour.
“From July 6 sa Saskatoon, July 13 Slave Lake, July 19 Calgary, July 20 Red Deer, July 26 Edmonton, July 27 Ft McMurray, at Aug 4 Dawson Creek Bc,” pagtatapos ni Luke.