Sunday , December 22 2024
Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box Office Entertainment Awards mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), Inc.

Ang Mallari, opisyal na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival, ay isang nakagigimbal na pelikula ukol kay Fr. Juan Severino Mallari, ang nag-iisang dokumentadong serial killer ng Pilipinas mula noong ika-19 siglo. Ito ang kauna-unahang pelikulang Filipino na ipinamahagi ng Warner Bros. Pictures na nagpapakita sa kasaysayan na mayroong sikolohikal na katatakutan. Tatlong major characters ang binigyang buhay dito ni Piolo.

Ito ang ikalawang Best Actor recognition ni Piolo, kasunod ng kanyang pagkapanalo sa inaugural Manila International Film Festival noong Enero 2024, na ginanap sa Hollywood, USA. Sinamahan si Piolo sa pagtanggap ng parangal nina Mentorque producer Bryan Dy, executive producer Rona BanaagClever Minds co-owner at supervising producer Omar Sortijas, director Derick Cabrido, gayundin ng kanyang Mallari co-stars Janella Salvador at Ron Angeles.

Samantala, ang Mentorque Productions, sa pakikipagtulungan sa Project 8 Projects, na pag-aari ng mga direktor na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone, ay nakatakdang gumawa ng mga wave sa 2024 Cinemalaya Film Festival ngayong Agosto.

Bago ito’y nakatapos na rin sila ng pelikula, ang Kono Basho na ginawa sa Japan. Ito’y ukol sa dalawang babaeng pinalamutian ng mga itim na kimono.

A Mentorque Productions and Project 8 Projects collaboration. TWO WORLDS COLLIDE IN FILIPINO FILM SET IN JAPAN, KONO BASHO, STARRING GABBY PADILLA AND ARISA NAKANO! (emojis Philippine and Japan’s flag). At the helm is visual artist JAIME PACENA in his directorial debut KONO BASHO, isang entry sa Cinemalaya Film Festival ngayong taon,” post ni Bryan sa kanyang Facebook account.

Sa kabilang banda, 14 sa 18 nominasyon ang nakuha ng Mallari sa nalalapit na FAMAS Awards night sa May 26, sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Kabilang sa mga nominasyon ang Best Actor (Piolo Pascual), Best Picture (Mentorque Productions/Clever Minds), Best Director (Derick Cabrido), Best Screenplay (Enrico C. Santos), Best Cinematography (Pao Orendain), Best Child Actor (Kian Co) , Best Supporting Actress (Gloria Diaz), Best Supporting Actor (JC Santos), Best Editing (Noah Tonga), Best Sound (Immanuel Verona and Nerikka Salim), Best Production Design (Marielle Hizon), Best Visual Effects (Gaspar Mangarin), Best Theme Song (“Pag-ibig na Sumpa” by JK Labajo), at Best Musical Score (Von De Guzman).

Nauna nang nakuha ng Mallari ang Best Supporting Actor, Best Musical Score, Best Visual Effects, at Third Best Picture sa Metro Manila Film Festival 2023 Gabi ng Parangal.

Sa  Hunyo 21 naman mapapanood na ang Mallari sa Netflix.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …