MAKATATANGGAP ng libreng TESDA skills assessments ang mga Senior High School (SHS) sa ilalim ng Technical Vocational Livelihood sa taon 2025.
Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III, sa ilalim ng dalawang joint memorandum circulars na nilagdaan ng TESDA, DepEd, DOLE, at CHEd, ay matutugunan ang skills mismatch at employment gap sa SHS graduates.
Layunin nitong mapondohan ang assessment ng SHS graduate para sa National Certificates I at II.
Makatutulong ang dashboard ng mga ahensiya para matukoy ang mga graduating student na kailangang i-assess habang ang DepEd naman ay tutulong na maghanap kung saang distrito sila galing. (NIÑO ACLAN)