DAPAT timbangin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy ang positibo at negatibong epekto ng mas mahigpit na panuntunan sa pagkuha ng tourist visa para sa mga Chinese national.
Ayon sa Philippine Travel Agencies Association,
mayroong epekto sa turismo ang mas mahigpit na visa requirements bagamat batid nila na ginagawa ng gobyerno ang kanilang trabaho.
Ngunit dapat umanong ikonsidera ang posibleng benepisyo ng bagong requirements sa pagkuha ng tourist visa sa panig ng mga Chinese national at travel agencies.
Kung maalala, hinikayat ng travel agencies ang mga awtoridad na ipaliwanag ang kailangan para sa mas estriktong requirements para sa Chinese nationals.
Una nang sinabi ng DFA na ang mas mahigpit na visa policy ay dahil sa gitna ng tumataas na insidente na ang mga visa applicants mula China ay nagsusumite ng mga pekeng dokumento at sangkot din sa ilegal na gawain sa bansa. (NIÑO ACLAN)