MARIING itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang patuloy na tensiyon sa West Philippine Sea (WPS) ang dahilan ng mas mahigpit na visa requirements para sa mga bisitang Chinese sa bansa.
Ayon sa DFA, walang kinalaman ang nagpapatuloy na tensiyon sa naturang bahagi ng karagatan.
Ang nagtulak sa ahensiya para pataasin ang requirements sa pagkuha ng visa ng mga Chinese tourists ay dahil sa mataas na bilang ng fake application ng embahada at Chinese consulate.
Kung maalala, Ilang Chinese nationals na ang nasa likod ng mga krimen sa bansa tulad ng human trafficking, prostitusyon, kidnapping, at fraud.
May ilan din sa kanila ang ilegal na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). (NIÑO ACLAN)