TINANGGAP ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga imbestigador ng Commission on Human Rights (CHR) na bumisita sa Muntinpula City.
Armado ng mission order na pirmado ni Director Jasmine Regino, ng Human Rights Protection Cluster, nakipagpulong sa pamunuan ng BuCor, para sa briefing ng CHR investigators.
Sa nasabing pag-uusap ipinakita ng mga tauhan ng BuCor ang simulation ng strip cavity search na kanilang ginagawa sa mga bisita at puno’t dulo ng nasabing imbestigasyon.
Ipinakita ng BuCor ang ilang pasilidad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) partikular ang conjugal facilities at park para sa mga bisita ng PDL at kanilang mga anak.
Ayon sa CHR, naghain ng subpoena para sa mga lady searchers para mag-submit ng kani-kanilang mga sinumpaang salaysay hinggil sa insidente. (NIÑO ACLAN)