Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga kulay ng Puregold, may bago na namang sasali na talentadong artista sa inaabangang pasabog ng kompanya. Isang hip-hop icon ang lalahok sa Tindahan ni Aling Puring, si Flow G, na naglabas ng teaser kamakailan kasabay ng ang isang Instagram post na nagre-record ang ito habang mayroong nakikitang Puregold bag. Kasama na ang rapper sa kahanga-hangang linya ng mga artista na pinangungunahan ng alternative pop band na SunKissed Lola at ng Pinay girl group na BINI. Layunin sa pagsasanib-puwersa ng mga ito sa Puregold, isusulong nila ang iba-ibang genre ng musikang Pinoy. Kilala si Flow G, o si Archie dela Cruz sa pagsisimula ng bagong era ng Pinoy hip-hop at OPM. Dahil alam niya ang responsibilidad na kasama ng nagawa niyang ito, nais ni Flow G na mas hikayatin pa ang mga Filipino ng pagmamahal sa musikang Pinoy, at nakipagsanib siya sa Puregold para magkuwento ng mga naratibong damang-dama ng mga kapwa-Filipino. Naging makulay ang paglalakbay ni Flow G mula noong sumikat siya, 2010. Pagkatapos magsimula ng kanyang karera, napakaraming mga balakid na dumating, gaya ng mga detraktor, diss track, at iba pang hamon na kasama sa pagnanais na lumikha ng sariling pangalan. Naging matatag si Flow G at narating ng mga kanta niyang RAPSTAR at High Score ang tagumpay. Sa pamamagitan ng kolaborasyon kasama ang Puregold, sabik na ibabahagi ni Flow G ang kanyang kuwentong panalo ng pagpapatuloy para sa pagmamahal sa ginagawa. Inaanyayahan ang mga tagasubaybay nina Flow G, ng BINI, at ng SunKissed Lola na abangan ang mga inihanda nila at ng Puregold.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …