Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Logan TV5

Marc Logan pumirma sa TV5, mapapanood na sa Top 5 Mga Kwentong Marc Logan

KASAMA na ang kilalang broadcaster na si Marc Logan sa hanay ng mga talento ng TV5 matapos pumirma ng kontrata kamakailan na dinaluhan ng mga top executive ng network. Ang kilalang ‘Pambansang Pantanggal ng Umay’ ay mapapanood na sa TV5 simula Abril 6 sa kanyang show na, Top 5 Mga Kwentong Marc Logan.

Kilala sa kanyang natatanging klaseng pagpapatawa, pangako ni Marc na maghatid ng isang programang magbibigay-aliw at magtatanggal ng stress mula sa araw-araw na pagsubok ng buhay.

Sa Top 5 Mga Kwentong Marc Logan, tampok ang mga kakaibang kuwento ng mga tao, lugar at pangyayari hatid ng katatawanan, aliw, at kakaibang pagkuwento ni Marc sa mas malawak na audience na abot ng TV5.

Bukod sa featured na top 5 stories, may tatlong special segments din ang ipakikita tulad ng: Taba ng U-Talk Naisip mo pa yun?  tampok ang sense of humor ng mga Pinoy; ManOpet! para sa mga tao o pets na may extraordinary talents; at Pakitalk-kitalk na makikita ang mga viral video sa social media kada linggo.

Bilang isang batikang broadcaster at host, alam ni Marc kung paano makuha ang atensyon ng mga manonood at panatilihin ang kanilang interes. Anuman ang kanyang ginagawang panayam sa mga celebrity guest, pagsasaliksik ng kakaibang balita, o nakatatawang skits, asahan ang maraming tawanan at masasayang sandali sa bawat pagtatanghal ni Marc.

Humanda na para sa  mga nakakatawang kuwento sa Top 5 Mga Kwentong Marc Logan simula Abril 6 sa TV5!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …