Wednesday , April 16 2025
Budol Alert

Mga Scam sa Pilipinas tatalakayin sa Budol Alert ng TV5–pix of budol alert

LAGANAP na ang isyu ng panloloko o ‘scam’ sa buong mundo. Halos $10.1-B ang nawala sa US noong 2022, habang sa Pilipinas ay mahigit Php1-B ang ninakaw ng mga scammer. Noong 2023, tinaguriang panlima sa global scamming ang Pilipinas.

Para mapigilan ang paglaki ng ilegal na industriyang ito, ihahatid ng TV5 ang Budol Alert, isang news at public affairs show na nakatuon sa iba’t ibang tactics at scam ng mga scammer sa Pilipinas. Ang programang ito ay may tagline na, “Maging Alerto, Huwag Magpabudol” na pinapaalalahanan ang mga Filipino na maging alerto sa iba’t ibang uri ng scamming tulad ng phishing, smishing, at mga online shopping scam.

Pinangungunahan ng mapagkakatiwalaan at beteranong broadcast journalist at News5 Head na si Luchi Cruz-Valdes, ipinakikilala ng Budol Alert ang komprehensibong pagkuha ng balita at pagkukuwento mula sa mga kabataan at maaasahang miyembro ng News5 na sina Gio Robles, Shyla Francisco, Reiniel Pawid, Dave Abuel, Briane Basa, Jes Delos Santos, at Nikki De Guzman. Kasama rin sa programa ang mga mapagkakatiwalaang ulat mula sa mga beteranong mamamahayag ng News5 na sina Mon Gualvez, MaeAnne Los Banos, at Marianne Enriquez

Naging parte ng News5 si Gio Robles noong 2022 at nag-cover na rin ito ng mga malalaking istorya tulad ng Socorro Cult at ang gulo na tungkol sa West Philippine Sea. Nakatanggap naman ng award bilang 2023 Broadcast Journalist of the Year (Agriculture) si Shyla Francisco mula sa PAJ SMC BINHI Awards. Ang pitong taong reporter at news producer na si Reiniel Pawid ay nanalo ng 2022 Gandingan Award for the most development-oriented new story.

Ang 12 taong karanasan ni Dave Abuel bilang news producer at reporter ay ibabahagi niya sa programa kasama si Briane Basa na host ng digital explainers ng COVID-19 at global affairs. Gayundin ang mga kilalang news anchor ng Frontline Pilipinas Weekend at Gud Morning Kapatid na sina Jes Delos Santos at Nikki De Guzman. 

Kasama rin sa programang ito ang mga beteranong news reporter na may 12 taong karanasan sa industriya at nanalo ng Gawad Pilipino Awards for Outstanding TV reporter noong 2023 na si Mon Gualvez. Ang senior correspondent sa loob ng 15 taon para sa News5, One News, One PH at anchor ng mga programa tulad ng Frontline Tonight, at nakatanggap ng 2019 Edward Murrow Fellowship for Journalists sa USA na si MaeAnne Los Banos, at ang reporter at producer ng news and public affairs sa loob ng 13 taon at nakatanggap ng 2014 Gawad Tanglaw Award for Best Public Affairs Programpara sa programang Reaksyon na si Marianne Enriquez.

“With our new breed and award-winning pool of correspondents presenting eye-opening stories in each episode of Budol Alert, we help empower Filipinos with the right knowledge so that they are well-informed and protected from different kinds of frauds and scams, whether physical or online. This is our commitment, and we vow to dig deeper and make Filipinos smarter than these scammers,” pagbabahagi ni News5 Chief and Budol Alert main host Luchi Cruz-Valdes.

About hataw tabloid

Check Also

Rhian Ramos

Rhian bumisita sa 7 simbahan sa Maynila

MATABILni John Fontanilla NGAYONG Holy Week ay inihatid ng programang Where In Manila, hosted by Rhian Ramos ang …

Marianne Bermundo Kyle Echarri

Kyle Echarri gustong makapareha ni Marianne Bermundo

MATABILni John Fontanilla SA pagpasok sa showbiz ng newbie teen actress  at beauty queen na …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Gela ‘di nakapaniwala kasama sina Gary at Marian sa isang endorsement

RATED Rni Rommel Gonzales SA tsikahan namin ni Gela Atayde sa Fresh International Buffet sa Solaire Resort …

Maricel Soriano

Maricel may spine arthritis kaya iika-ika maglakad

MA at PAni Rommel Placente ILANG araw din pinagpiyestahan ng ibang netizens ang kalagayan ni Maricel …