Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Sunshine Suson, 34 years old, at nagtatrabahong nanny sa Quezon City.
Ise-share ko lang po ang isang experience ko noong isang beses ay namasyal kami sa isang park, kasama ang boss ko at ang alaga ko.
Gusto po kasi ng amo ko na maarawan ang kanyang baby kaya inilabas namin. Dinala namin sa park tapos doon na rin kami nag-breakfast.
Habang nakadapa sa kanya portable crib ang baby, nalaglag pala ang kapirasong tinapay na may palamang jam malapit sa paa ng crib. Nagkataon na inutusan ako ni Madam at may ipinakuha sa sasakyan. Hindi nila namalayan na dinayo na pala ng mga langgam ang tinapay na may jam hanggang nakaakyat na sa crib at napupog na ang baby sa kanyang paa at braso. Kung hindi pa umiyak ang baby ay hindi pa nila mamamalayan.
Naku tarantang-taranta ang amo ko, lagot daw siya kay Sir. Sabi ko, wait Madam, i-wash natin sa pamamagitan ng bimpo ang mga kagat ng lagam, dinampi-dampian din namin ng bimpo na may yelo ang mga kagat ng lagam.
Noon ko rin naalala ang Krystall Herbal Oil sa bag na dala ko. Inilabas ko at inihingi ko ng permiso sa Madam ko na pahiran naming namin ng oil ang mga kagat. Umokey naman si madam kaya mabilils kong naasikaso si Baby. Aba, wala pang dalawang oras napansin naming nawala na ang pantal, maging ang bakas ng kagat hindi maaninag.
Takang-taka si Madam at bilib na bilib sa ginawa kong remedyo na natutuhan ko sa inyo. Kaya ngayon kahit sa labas ng bansa pa kami magtungo laging may baon na Krystall Herbal Oil.
Thank you so much, Sis Fely.
SUNSHINE SUSON
Quezon City