Saturday , November 16 2024
Kych Minemoto Michael Ver Puregold My Plantito

Limang aral sa buhay mula sa My Plantito ng Puregold Channel

ANG pinakamahuhusay na kuwento ay iyong nakatutunaw ng puso at nakapagtuturo rin ng mga aral sa buhay. Napatunayan ito ng pinakahuling digital na serye ng Puregold Channel, ang My Plantito, noong naitampok ito sa Tiktok bilang kauna-unahang kuwentong boy-love. Nahuli agad ng My Plantito ang puso ng mga manonood at nakakuha ng mga tagasubaybay na naghihintay sa bawat episode.

Bida sa nakagigiliw na naratibo sina Charlie (Kych Minemoto), isang nangangarap na maging sikat na content creator, at si Miko (Michael Ver), batang negosyante na isa ring plantito.

Hindi nagtagal, napagtanto ng mga tagapanood na ang kilig serye na ito ay naghahandog din ng mahahalagang aral para sa lahat. Narito ang lima sa mga aral na ito:

Makapangyarihan ang pagtanggap at suporta mula sa ating mga pamilya—Naging mas madali ang paglalakbay ni Charlie dahil sa walang-sawang suporta ng kanyang ama na si Janong, si Chef Ghaello Salva. Dahil sa presensya ni Janong sa buhay ni Charlie, kasama na rin ng pangungulit (tungkol sa crush niyang si Miko) at taos-pusong mga pakikipag-usap, nahikayat lalo si Charlie na habulin ang kanyang mga pangarap, kahit noong pansamantala siyang tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo para tuparin ang ambisyong maging vlogger.

Tandaan natin ang kahalagahan ng “consent” o permiso, at respeto—Lihim na kinuhanan ng video ni Charlie si Miko at hindi naging maganda ang mga sumunod na mga pangyayari. Dahil dito, natulak si Charlie na suriin ang kanyang pagtingin ukol sa consent o paghingi ng permiso, at respeto. Naunawaan niyang mayroon siyang nasaktang kalooban dahil sa pagnanais niyang maging mahusay na content creator. Nagkaroon siya ng mas mabuting pang-unawa sa makatao at may respetong content creation.

Habang madalas na mabuti ang hangarin ng mga kaibigan para sa atin, dapat tayong maging mapanuri sa kanilang mga payo—Palaging kakampi ni Charlie ang kaibigan niyang si Bianca, na binibigyang-buhay ni Devi Descartin. Subalit, dahil sa kagustuhan ni Bianca na matupad ni Charlie ang mga pangarap, nagbigay siya ng masamang payo sa kaibigan.

Sa kabilang banda, ang ka-partner sa negosyo ni Miko na si Chem (Derrick Lauchengco) ay nagpapakita ng pag-uugali ng totoong kaibigan sa tuwing mapanghamon ang buhay.

Dapat nating harapin ang resulta ng ating mga desisyon at kilos—Sa My Plantito, ipinakita ni Charlie ang matapang na pagharap sa kanyang mga pagkakamali. Itinama niya ang maling nagawa at nagbukas ito ng mga bagong oportunidad para sa kanya.

Nangangailangan pa tayo ng mas maraming espasyo para sa tunay na pagpapahayag ng sarili—Ipinagdiriwang ng My Plantito ang pagiging totoo sa sarili at pagiging inklusibo. Hudyat ito na dapat pang bumuo ng mga ligtas at mapagmahal na mga espasyo na maaaring maging totoo sa kanilang mga sarili ang mga indibidwal. Dahil sa pagiging tapat at bukas ng mga tauhan sa serye, natutuhan ng mga tagapanood na kailangan din nating maging mas mabuti pa sa ating kapwa, nang maramdaman nila ang pagtanggap na karapat-dapat nilang matamasa.

Hindi pa huli upang sumali sa My Plantito craze at lumubog sa makabuluhang naratibo nito. Panoorin ang mga episode sa opisyal na Tiktok at YouTube channel ng Puregold.

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …