MULING kinilala ang galing ng pelikulang Deleter na pinagbidahan ni Nadine Lustre sa katatapos na Grimmfest 2023 sa England.
Itinanghal na Best Scare award sa Grimmfest 2023 ang pelikulang Deleter na prodyus ng Viva Films at isa sa Metro Manila Film Festival entry noong 2022. Nagwagi ito sa MMFF 2022 bilang Best Picture, Best Actress para kay Nadine, Best Cinematography para kay Ian Guevarra, at Best Director para kay Mikhail Red.
Nagwagi ang Deleter sa Grimmfest dahil anila sa mga rasong eeriness, unsettling mood, at atmosphere as a whole.
Ang Deleter din ang pelikulang nanguna sa box office sa MMFF 2022.