Sunday , December 22 2024
COMELEC BSKE Elections 2023

8 Hakbang sa Wastong pagboto sa BSKE 2023

Mga kababayan narito na ang barangay at Sangguniang Kabataan elections

Para sa maayos at mabilis na pagboto sundin ang walong hakbang na ito:

  1. Lumapit sa electoral board o E.B. at sabihin ang inyong pangalan, precinct at sequence number ayon sa listahan ng botante na nakapaskil sa presinto.
  • Kunin ang balota na ibibigay ng EB:
  • Para sa mga botanteng may edad na 15 Hanggang 17 isang SK ballot ang ibibigay sa iyo;
  • Para sa mga botanteng may edad na 18 hanggang 30 isang SK ballot at isang barangay Ballot ang dapat mong matanggap;
  • at para naman sa mga botanteng may edad na 31 at pataas isang barangay ballot naman ang ibibigay sa iyo.
  • Pumirma sa Election Day Computerized Voters’ List o EDCVL.
  • Punan ang balota sa pamamagitan ng pagsulat ng pangalan ng kandidatong nais iboto at gamitin ang ballot secrecy folder.
  • Tupiin ang balota sa pamamaraan kung paano ito tinanggap at ibalik ito sa electoral board or E.B..
  • Mag-thumb mark sa kaukulang espasyo sa ballot coupon.
  • Magpalagay ng indelible ink sa kuko ng kanang hintuturo, at
  • Sa harap ninyo ay tatanggalin ng E.B. ang ballot coupon at ilalagay ang balota at ballot coupon sa mga nakatakdang lagayan sa balot box.

Matapos ito ay maari na kayong umalis ng polling place.

Paalala ang bawat boto ay mahalaga iwasang marumihan mabasa o mapunit ang inyong balota.

Ang boto mo ang iyong tinig para sa nais mong pagbabago.

Bumoto ng wasto at matalino sa BSKE 2023 Barangay at kabataan kabilang ka ditto.

para sa higit pang kaalaman at wastong impormasyon hinggil sa halalan bisitahin kami sa aming mga opisyal na social media accounts.

COMELEC Education and Information Department 2023

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …