Thursday , December 26 2024
Snow World Star City

Tag-init at taglamig, puwede ba iyon?

SA isang isinagawang pag-aaral sa kaugalian ng mga tao sa buong mundo, lumalabas na ang pinakamalaki nilang kasiyahan ay iyong nakakapaglaro sila sa snow, o kaya ay nakakapag-tampisaw, hindi man makapaligo sa tabing dagat. Ang snow ay kung winter, ang pamamasyal sa dagat ay kung summer. Dalawang magkaibang panahon, at hindi kailanman napagsasabay ang dalawang iyan.

Pero gamit ang makabagong teknolohiya, pilit na pinagsama ni Thomas Choong, na siyang naka-imbento rin ng snow machine na ginagamit ng Snow World, na mapagsabay ang dalawang magkaibang panahon.

Gamit ang mga makabagong teknolohiya sa video, makikita ninyo at maaaring puntahan ang tabing dagat ano mang oras, at kagaya rin ng inaasahang sariwang hangin sa tabing dagat kung pumapalo ang mga alon sa dalampasigan, ganoon din ang hanging inyong malalanghap gamit ang mga makabagong ionizers, kaya habang dinadama mo ang alon, nalalanghap mo rin ang sariwang hangin. 

Iyon lamang ay isang karanasang hindi mo palalampasin, pero kung kasabay niyan ay madarama mo na bumabagsak mula sa langit ang maliliit na butil ng snow, at may snow din sa iyong paligid, aba iyan ay isang kahanga-hangang karanasan na mahirap mong maranasan, pero posible na ngayon sa loob ng Snow World sa Star City.

Nang simulan ang Snow World sa Star City marami ang nagsasabing imposible iyon dahil sa init ng panahon sa PIlipinas. Isa pa nagkaroon na ng ibang winter attraction noon pa sa Pilipinas, pero hindi tunay na snow kundi dinurog na yelo at kung minsan ay foam lamang. Gamit ang kanyang makabagong imbensiyon, nadala ang tunay na snow sa loob ng Star City. Naitayo ang pinaka-mahabang man made ice slide sa loob, naitayo ang isang magandang snow village na pasyalan, isang coffee shop, at iba pang attraction kasama ng snow. 

Ngayon ang atraksiyon naman ng tag-araw ang isinama nila sa Snow world.

Bukas ang Snow world mula Huwebes hanggang Linggo, 2:00-10:00 p.m..

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …