Friday , November 15 2024
Comelec SK Sangguniang Kabataan

Libreng pa-outing ng SK bet, bistado sa Comelec

SA kabila ng paulit-ulit na babala ng Commission on Elections (Comelec) laban sa vote-buying, pumalo na sa mahigit 7,000 reklamo ang inihain laban sa mga kandidato para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kaugnay nito.

Kabilang sa mga pinagpapaliwanag ng Comelec ang isang kandidato sa posisyon ng SK chairman na si Judielyn Francisco,  inireklamo ng vote buying kaugnay ng isang libreng out-of-town excursion na ikinubli bilang team-building seminar.

Sa 19-pahinang dokumentong isinumite sa Comelec ng mga kabataang botante mula sa Novaliches, Quezon City, partikular na hiniling ni Arjay Lacsa Lorenzo sa poll body ang diskipikasyon ni Francisco, tumatakbong SK chairman sa Barangay San Bartolome ng naturang lungsod.

Giit ni Lorenzo, hindi magandang ehemplo sa hanay ng mga kabataan ang aniya’y malinaw na ‘pagbili’ng boto ni Francisco sa mga botanteng kabataan.

Bukod aniya sa libreng outing na ginanap sa Paradise Adventure Camp sa lungsod ng San Jose del Monte sa Bulacan, sinagutan din aniya ni Francisco ang lahat ng gastusin – mula sa transportasyon, hotel accomodation, pagkain hanggang sa mga inuming nakalalasing.

“The conduct of a leadership seminar cum team-building with the giving out of free food and liquor, one-night accommodation, and transportation to and from the venue is in violation of the Omnibus Election Code which strictly prohibits all forms of vote-buying,” ani Lorenzo sa kanyang nilagdaang salaysay.

“All these free perks are manifest of intention to influence, induce and corrupt the electorate,” dagdag niya.

Kalakip ng petisyon ni Lorenzo ang mga retratong kuha mismo ng isa sa mga dumalo sa naturang libreng pa-outing ni Francisco.

Una nang nagbabala si Comelec chairman George Garcia na hindi palalampasin ng Comelec ang mga mapapatunayang paglabag sa mga nakasaad na panuntunan kaugnay ng halalan.

“Sundin lang natin ang Omnibus Election Code para hindi kayo madiskalipika. Masasayang lang kasi ang pinaghirapan niyo sa pangangampanya, bukod pa sa reputasyon niyong masisira,” ani Garcia.

“Don’t dare to put us to the test as we have proven in premature campaigning that we will file disqualification cases,” dagdag ni Garcia kasabay ng pagtitiyak na agad tutugon ang poll body sa mga reklamo laban sa mga aniya’y pasaway na kandidato.

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Francisco hinggil sa reklamo ng mga kabataang botante.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …