Sunday , December 22 2024
Mimiyuuuh

Mimiyuuuh nagpakatotoo sa pagkalap ng tsismis sa pinakabago niyang TVC

MARAMI sa atin ang nae-excite at nabubuhayan ng dugo kapag narinig natin ang mga salitang “Uy, may chika ako.”

Lahat tayo ay may itinatagong “Marites” sa ating mga sarili, na nagnanasang makasagap ng pinakamainit na  tsismis, at hindi pwedeng maiwan para malaman ang mga umaatikabong balita ng bayan.

Ganyan ang tema ng pinakabagong video ng sikat na online celebrity na si Mimiyuuuh para sa TNT, ang mobile brand ng Smart

Sa video, mapapanood si Mimiyuuuh habang nagbabasa ng kanyang social media feed sa kalagitnaan ng gabi nang bigla niyang makita ang isang hindi inaasahang bisita na kamukha ng pamosong multong Hapon na si Sadako.

Kalaunan nalaman ni Mmiyuuuh na namutla lang pala ‘yung babae sa video dahil sa sobrang sabik nitong makarinig ng tsismis.

Panoorin ang nakakatuwang video dito:  https://www.youtube.com/watch?v=WztUm6BdDM4

Mimiyuuuh TNT  FB+Chat 50

FB+Chat50 pinakamurang produkto ng TNT 

PARA mas malaman pa ang pinakamaiinit na online tsismis ng bayan at mas sumigla pa ang mga subscriber, inilabas kamakailan ng TNT ang FB+Chat 50, na nagbibigay ng 7 araw na punompuno ng data offer para mas madaling magamit ng mga subscriber ang kanilang   Facebook, Messenger, WhatsApp, at Instagram account.

Sa halagang P50 lang, ang FB+Chat 50 ay may kasamang libreng 3.5 GB na maaring gamitin sa loob ng 7 araw, na sapat t para magkaroon at ma-enjoy ng mga subscriber ang kanilang pagkalap ng tsismis para sa buong linggo. Ito ay hatid ng may pinakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa bansa na binigyan ng award ng Ookla sa sunod-sunod na tatlong bahagi ng taon.

Sa pamamagitan ng  FB+Chat50, wala nang rason ang lahat ng TNT subscriber  para makaligtaan pa ang mga pinakamainit na balita online tungkol sa kanilang paboritong artista, bulong-bulungan sa social media, o ‘di kaya ay mapag-iwanan pa sa usapan ng mga kaibigan pagdating sa pinakamainit na isyu ng bayan, na hindi mabubutas ang kanilang mga bulsa.

Maaaring i-share ng TNT subscribers ang mga nakatutuwa at mahahalagang post sa  Facebook at Instagram, i-tag ang kanilang mga kaibigan, or makisali sa mga diskusyon ng kanilang barkada sa pinakamaiiinit na tisismis gamit ang Messenger o di kaya ay sa WhatsApp.

Bahagi na ng buhay ng Filipino para patuloy pa rin silang may koneksiyon sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay ang pagsi–share ng mga pinaka-latest na usapan online. 

“Sa pamamagitan TNT FB+ CHAT 50, binibigyan namin ng murang paraan ang aming mga subscriber para patuloy nilang malaman ang mga pangyayari sa lahat, na pinalakas ng pinakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa bansa,”   ani Lloyd R. Manaloto, FVP at Head ng Prepaid at Content ng Smart.

Maaaring magparehistro ng madali ang lahat ng TNT subscriber sa FB+Chat 50 sa pamamagitan ng Smart App, na maaaring ma-download sa Apple App Store, Google Play Store, at Huawei Mobile Services.

Ang iba pang mga kustomer ay maaari ring makapag-avail ng produkto ng TNT. Kailangan lang nilang i-dial ang  *123#; pumunta sa pinakamalapit na tindahan ; o di kaya ay bumili nito gamit ang kanilang paboritong  mobile wallet apps o pwede rin sa  Facebook Upsell at Facebook Mobile center.

Ang TNT ay bahagi ng Smart, ang may pinamakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa Pilipinas na pinatunayan ng Ookla, ang lider sa buong daigdig sa larangan ng mobile at  broadband network intelligence. 

Ang Smart ang pinaka-una at nag-iisang mobile operator sa Pilipinas na nakatanggap ng prestiyoso at natatanging parangal sa tatlong sunod-sunod na ulat ng Ookla na inilabas nila  noong Q1-Q2 2022, Q3-Q4 2022, and Q1-Q2 2023.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …