MAYbagong milestone na nakamit ang Radyo5 TRUE FM matapos tanghaling ‘Best Radio Station’ sa 11th Makatao Awards ng People Management Association of the Philippines o PMAP kamakailan.
Ang pagkilala ay nagpapakita ng malaking tagumpay para sa Radyo5 mula nang nag-rebrand noong Marso at binago ang kanilang programa para maghatid ng makatotohanan at makabuluhang balita na may kasamang programang serbisyong pampubliko sa FM band.
Ayon sa NIELSEN ratings, nasa ika-7 puwesto ang estasyon sa FM band at ika-8 puwesto sa lahat ng estasyon sa bansa, lumampas sa DZBB na nasa ika-10 puwesto. Samantala, batay sa KANTAR ratings, kinilala ang TRUE FM bilang nasa Top 5 sa ikalawang quarter ng 2023.
Tumaas din ang weekly listenership ng estasyon dahil umabot ito sa impresibong 23%. Kasalukuyan pang itinuturing na most followed radio station page sa bansa ang Radyo5 TRUE FM dahil sa 5.2 milyon followers nito sa Facebook.
Ang mga numero na ito ay nagpapatibay ng malaking pag-unlad na nagawa ng estasyon sa pagiging top choice ng mga radio listeners para sa “real, relatable and reliable content” na hango sa kanilang battlecry na “Dito Tayo sa Totoo!”
Kabilang sa mga pangunahing programa ng TRUE FM ang Bangyon Bayan with Mon ni Mon Gualvez, Ted Failon & DJ Chacha, ang flagship news program na Radyo5: Balita Pilipinas, Sana Lourd ni Lourd De Veyra, Pinoy Konek ni Danton Remoto, Dr. Love ni Bro. Jun Banaag, Wanted sa Radyo ni Senador Raffy Tulfo, Healing Galing ni Dr. Edinell Calvario, Cristy Ferminute ni Cristy Fermin at marami pang iba.
“With these achievements, Radyo5 TRUE FM reaffirms its commitment to transparency, accuracy, and fairness in journalism while continuing to provide quality content that resonates with its target audience,” sabi ni Raul M. Dela Cruz, Radyo5 TRUE FM General Manager.
“Tune in to the country’s real, relatable, and reliable radio station and find out why more and more listeners are getting hooked to Radyo5 TRUE FM’s engaging programs,” dagdag pa niya.