HARD TALK
ni Pilar Mateo
IN full swing na ang paghataw ng shoot ng comeback movie ni Piolo Pascual, ang Mallari na ipinrodyus ng Mentorque ni Bryan Diamante.
Kaya tuwang-tuwa ang mga taga-Lipa, Batangas sa pusod ng Lumbang dahil doon pala madalas makita ang aktor at ang buong produksiyon ng super laking pelikula nito.
Kaabang-abang na ang mga eksenang sinalangan dito ni Piolo.
Nagpasilip na si Bryan ng ilang eksena ng pelikula. Sa kanyang cell phone.
Marami nga ang umaasa na sana ay makasama ito sa mga pelikulang tatambad sa mga manonood sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre 2023.
Gusto pa ring maging sikreto muna ni Bryan ang naglalakihang artistang sasalang sa pelikula.
Dahil isang pasabog na media launch ang inihahanda nito, sampu ng kanyang mga tauhan.
Naipakilala na ni Bryan sa unang bugso ng presscon niya kung sino si Mallari. Ang istorya ng paring serial killer. In the time of war.
Inspired sa buhay ng unang na-dokumentong “serial killer” priest na si Juan Severino Mallari. At unang pagganap din ni Piolo sa isang horror film.
Malaking hamon ang pelikula sa direktor na si Derick Cabrido. Madugo. Dahil tatlong katauhan mula sa iba’t ibang panahon ang gagampanan ni Piolo.
1801. 1942. 2023.
Intended ito sa darating na Metro Manila Film Festival sa Disyembre.
Nawa!