SINAGOT agad ng pamanuan ng ABS-CBN, na siyang nag-eere ng It’s Showtime ang ng desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ukol sa 12-airing days suspension nito sa kanilang noontime show.
Anila, maghahain sila ng Motion for Reconsideration at patuloy silang makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang It’s Showtime.
Narito ang kabuuang statement na ipinadala ng ABS-CBN:
“Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspinde ang “It’s Showtime” sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito.
“Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas.
“Patuloy di kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang “It’s Showtime” sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People.
“Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa “It’s Showtime.”