Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
My Plantito

Kiligin sa pagtatagpo ng Plantito at Vlogger sa pinakabagong Tiktok serye, My Plantito

HUMANDA na sa kakaibang rollercoaster ride ng tawa, kilig, at nakatutunaw ng puso na mga kaganapan, sa pagsisimula ng pinakabagong Tiktok serye ng Puregold ChannelMy Plantito, sa Agosto 23.

Magsisimula ang kuwento sa unang pagkikita ng isang tahimik at tila mahiyaing lalaki na mahal na mahal ang kanyang mga halaman at isang kalog na vlogger-next-door na agad na mabibighani sa plantito

Maghanda na sa bagong hatid ng Puregold Channel, na kilala na sa paglikha ng mga romcom serye na nagpapakita ng pagkakaibigan, pamilya, at siyempre kilig.

Ang kauna-unahang Boy-Love (BL) na serye sa Tiktok, My Plantito, nakapila na para maging susunod na hit na produksiyon ng Puregold Channel–at hindi na nga nakapagtataka. Binibigyan ng palabas ang mga manonood sa kung paanong ang simpleng pagtatagpo ng dalawang tauhan ay maaaring maging malalim na koneksiyon na tama ang timing at itinadhana ang pag-ibig.

Tampok sa palabas si Kych Minemoto bilang Charlie, isang vlogger at si Michael Ver biglang guwapong plantito. Pareho nilang patutunayan na ang pag-ibig ay hindi lamang pagtingin at nakakikilig na romansa–kasama rito ang pagtuklas ng sarili, paglubog sa mga isyu ng pagtanggap at pagiging inklusibo, at pagtuklas ng pagmamahal na nagnanais lumaya.

Sabi nga ni Ivy Hayagan-Piedad, Marketing Senior Manager ng Puregold, higit sa entertainment ang hatid ng My Plantito. Tungkol ito sa pag-unawa at pakikipamuhay. Hindi lang ito love story; nagbibigay ito ng makabuluhang aral, at ang nakabibighaning kaguluhan na nililikha ng pag-ibig.”

Tulad sa nakaraang digital na serye, ang mahika sa paglikha ng My Plantito ay hatid ng direktor na si Lemuel Lorca at ng producer na si Chris Cahilig. Ibibigay din ng mga artistang sina Ghaello Salva, Elora Espano, Derrick Lauchengco, at Devi Descartin ang abot ng makakaya nila sa seryeng ito.

Kaya markahan na ang inyong mga kalendaryo para sa Agosto 23. Ipalalabas ang My Plantito, eksklusibo sa Tiktok at YouTube Channel ng Puregold.

Bilang pasilip, maaaring panoorin ang opisyal na trailer sa link na ito: https://vt.tiktok.com/ZSLbN2wNa/.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …